2020
Ibinahagi ni Abis ang Ebanghelyo
Hunyo 2020


Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

Ibinahagi ni Abis ang Ebanghelyo

Larawan
Abish listening to Ammon

Nagtrabaho ang isang babaeng nagngangalang si Abis para sa hari. Naniwala siya sa Diyos. Karamihan sa mga tao sa paligid niya ay hindi naniwala sa Diyos. Isang araw nakita niya na tinuturuan ng isang misyonero na nagngangalang Ammon ang hari at reyna tungkol sa Diyos at kay Jesucristo.

Larawan
Abish with fallen king and queen

Nang matuto ang hari at reyna tungkol sa ebanghelyo, tuwang-tuwa sila! Bumagsak sila at hindi gumalaw. Alam ni Abis na nadarama nila noon ang kapangyarihan ng Diyos.

Larawan
Abish running

Gusto ni Abis na malaman ang tungkol sa Diyos. Kaya tumakbo siya sa bahay-bahay at sinabi niya sa mga tao na sumama at tingnan kung ano ang nangyari.

Larawan
queen helping king up

Nang nakatipon na ang mga tao, tinulungan ni Abis ang reyna na tumayo. Pagkatapos ay tinulungan ng reyna ang hari na tumayo. Sinimulan nilang turuan ang mga tao tungkol sa ebanghelyo.

Larawan
kids in the rain with umbrellas

Maaari akong maging katulad ni Abis. Matutulungan ko ang ibang tao na malaman ang tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. ●

Mga paglalarawan ni Apryl Stott