2018
Mga Propeta: Isang Pagpapamalas ng Pagmamahal ng Diyos
Setyembre 2018


Ang Huling Salita

Mga Propeta: Isang Pagpapamalas ng Pagmamahal ng Diyos

Mula sa isang mensahe sa pangkalahatang kumperensya ng Abril 2018.

Larawan
prophets a sign of Gods love

Nais kong patotohanan sa inyo na si Pangulong Russell M. Nelson ay ang propeta ng Diyos sa mundo. Wala akong nakitang ibang tao na mas mabuti at mapagmahal kaysa sa kanya. Nakakaramdam man ako ng kahinaan para sa sagradong tungkuling ito, ang kanyang mga salita at mahabaging tingin nang ibinigay niya sa akin ang resposibilidad na ito ay nagpadama sa akin ng yakap ng pagmamahal ng Panginoon.

Hindi ba isang biyaya ang magkaroon ng mga propeta, tagakita, at tagapaghayag sa mundo sa mga araw na nabubuhay tayo, na hinahangad ang kagustuhan ng Panginoon at susundin ito? Nakakapanatag malaman na hindi tayo nag-iisa sa mundo, sa kabila ng mga pasubok na kinakaharap natin sa buhay. Ang pagkakaroon ng mga propeta ay pagpapamalas ng pagmamahal ng Diyos sa Kanyang mga anak. Ipinapakita nila ang mga pangako at tunay na katangian ng Diyos at ni Jesucristo sa Kanilang mga tao.

Taos-puso kong pinatototohanan na ang mga propeta ay nagsasalita sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. Pinatototohanan nila si Cristo at ang Kanyang dakilang misyon sa mundo. Kinakatawan nila ang isip at puso ng Panginoon at tinawag sila upang kumatawan sa Kanya at turuan tayo ng kung ano ang dapat nating gawin upang makabalik sa presensya ng Diyos at ng Kanyang Anak, na si Jesucristo. Pinagpapala tayo sa pamumuhay natin ng ating pananampalataya at pagsunod sa kanilang mga turo. Sa pagsunod sa kanila, ang ating buhay ay magiging mas masaya at hindi masyadong komplikado, ang ating mga pagsubok at problema ay mas gagaan, at makakagawa tayo ng espirituwal na baluti sa paligid natin na poprotekta sa atin mula sa mga pagsalakay ng kalaban sa panahon natin ngayon.

Mataimtim kong pinatototohanan na si Jesucristo ay nagbangon, Siya ay buhay, at pinamumunuan Niya ang Kanyang Simbahan sa mundo sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta, tagakita, at mga tagapaghayag. Pinatototohanan ko na Siya ang Tagapagligtas at ang Manunubos ng mundo at sa pamamagitan Niya tayo ay maliligtas at madadakila sa presensya ng ating mahal na Diyos. Minamahal ko Siya, sinasamba ko Siya. Nais kong sumunod sa Kanya at gawin ang kagustuhan Niya at maging higit na katulad Niya.