2018
Si Elijah at ang Babaeng Balo
Setyembre 2018


Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

Si Elijah at ang Babaeng Balo

Mula sa I Mga Hari 17.

Larawan
Elijah and the Widow 1
Larawan
Elijah and the Widow 2
Larawan
Elijah and the Widow 3

Binalaan ng propetang si Elijah ang mga tao na magkakaroon ng taggutom. Hindi uulan, at hindi tutubo ang mga pananim. Sa panahon ng taggutom, uminom ng tubig si Elijah mula sa isang sapa. Nagpadala ng mga ibon ang Diyos para dalhan siya ng pagkain. Ngunit natuyo ang sapa. Sinabi ng Diyos kay Elijah na hanapin ang isang babae sa bayan, at pakakainin siya nito.

Natagpuan ni Elijah ang babae na namumulot ng mga panggatong. Humingi si Elijah sa kanya ng makakain. Sinabi ng babae kay Elijah na kakaunti na lang ang kanyang harina at langis para makakain sila ng kanyang anak na lalaki.

Nangako ang propeta na kung hahatian siya nito ng pagkain, hindi ito mauubusan ng pagkain. Nagtiwala ang babaeng balo kay propetang Elijah at hinatian siya nito ng pagkain.

Bawat araw, may sapat silang nakakain. Isang himala iyon! Pagkatapos ay nagkasakit ang anak ng babaeng balo at namatay, ngunit binuhay siya ni Elijah. Pinagpala ang babae sa pakikinig sa propeta.

Pinagpapala ako kapag nakikinig ako sa propeta.