2018
Mga Panalangin sa Likod ng Entablado
Setyembre 2018


Mga Panalangin sa Likod ng Entablado

Larawan
backstage prayers

Isa sa mga paborito kong libangan ang Irish dance. Pinagsisikapan kong ensayuhin ang choreography sa bahay para handa akong magtanghal. Nag-eensayo akong mabuti, pero kapag nasa likod ako ng entablado at malapit nang magtanghal, karaniwa’y kinakabahan ako. Sa bawat kompetisyon, naghahanap kami ng nanay ko ng tahimik na lugar para manalangin. Kung minsa’y sa likod ng isang kurtina o sa isang silid sa tabi. Alam kong hindi mahalaga sa Ama sa Langit kung nasaan tayo, basta’t may pananampalataya tayo sa Kanya.

Sa huling pagtatanghal ko, hindi ko kasama ang nanay ko para manalangin. Kasama siya ng mga manonood at naghihintay. Talagang kinabahan ako pero naisip ko na hindi mahalaga kung kasama ko siya o hindi. Lumayo ako sa mga kaibigan ko at nanalangin. Hiniling ko na walang mangyaring masama sa akin habang nagsasayaw ako at na magawa ko ang lahat ng makakaya ko. Napakaganda ng sayaw ko noong araw na iyon, at naaalala ko ang kapayapaang nadama ko nang umakyat ako sa entablado.

Maaari tayong magtiwala palagi sa Ama sa Langit. Kahit saan tayo naroroon o kahit kailan, palagi Siyang nakikinig.