2018
Anuman ang Mangyari!
Setyembre 2018


Anuman ang Mangyari!

Larawan
no matter what

Sa unang bahagi ng taong ito, malungkot ang kapartner ko sa pagbasa at pagsulat nang pumasok sa klase. May mga mali siyang nagawa sa math. Sabi niya, “Wala akong silbi.”

Nag-alala ako sa kaibigan ko, kaya ikinuwento ko sa kanya si Jesus at kung gaano Niya tayo kamahal. Sinabi ko sa kanya na ibig sabihin niyan ay hindi totoong wala tayong silbi. Pagkatapos ay kinantahan ko siya ng “Ako ay Anak ng Diyos.” Nagustuhan niya ito at tinanong ako kung saan ko natutuhan ang mga bagay na ito. Ipinaliwanag ko na nagsisimba ang pamilya ko linggu-linggo at na marami akong natututuhan tungkol kay Jesus sa Primary.

Nang gabing iyon, sinabi niya sa nanay niya ang pinag-usapan namin. Itinanong niya sa nanay niya kung puwede siyang sumama sa pamilya namin na magsimba. Pumayag ang nanay niya!

Magkatabi kami ng kaibigan ko sa sacrament meeting nang Linggong iyon mismo! Halos linggu-linggo na siyang sumasama sa akin ngayon na magsimba. Parami nang parami ang natututuhan nila ng mga magulang niya tungkol sa ebanghelyo ni Jesucristo mula sa mga missionary at sa iba pang mga pamilya sa ward namin.

Masayang-masaya ako na nasundan ko ang halimbawa ng Tagapagligtas at napasaya ko ang isang malungkot na kaibigan. Magpasiya mang magpabinyag ang pamilya niya o hindi, ang pinakamaganda ay alam na niya ngayon na mahal siya ng Diyos at ni Jesucristo, anuman ang mangyari!