2018
Palagay ko Magpapakatotoo Ako
Setyembre 2018


Sa Pulpito

Palagay ko Magpapakatotoo Ako

Larawan
Jutta Baum Busche

Kuwadro mula sa Getty Images

Larawan
centerpiece

Tandang-tanda ko pa ang mga pagbabagong kinailangan naming gawin nang manirahan kami sa Utah. Ang una kong tungkulin sa aming ward ay maglingkod bilang Relief Society teacher. Minasdan kong mabuti ang ibang mga guro at lubha akong humanga sa pagsisikap nilang maging perpekto sa kanilang pagtuturo. Maging ang ayos ng kanilang buhok at malinis na damit ay nagpakita ng pagsisikap nilang maging perpekto. Humanga ako sa tatas at husay nilang magsalita ng Ingles. Paano ako makakapagturo sa kanila samantalang mahina ako sa Ingles? Sabik akong matuto at tuwang-tuwa ako nang mabalitaan ko na may stake preparation class para sa mga Relief Society teacher.

Nang dumalo ako sa training meeting sa unang pagkakataon, punung-puno ako ng pag-asa. Hindi ako handa sa itinanong sa akin tungkol sa gagamitin kong dekorasyon sa mesa nang magturo ako. Pakiramdam ko walang-wala akong kakayahang magturo! Wala akong ideya kung ano ang dekorasyon sa mesa o ano ang layunin noon sa paglalahad ng lesson. Nagsimulang mawala ang kumpiyansa ko nang maging negatibo ang pakiramdam ko sa aking sarili. …

Patuloy kong nadama ang kaabahan ko nang masdan ko ang mga sister sa aking ward at makita ko silang nagtatanim ng mga halaman at nagdede-lata ng ani. Araw-araw silang nag-jogging. Nanahi sila at namili sa baratilyo. … Nagdala sila ng pagkain sa mga bagong panganak at maysakit sa mga kalapit-bahay nila. Inalagaan nila ang isa at kung minsa’y dalawang matandang magulang. … Naging tapat sila sa paggawa ng gawain sa templo, at nag-alala sila tungkol sa pagsulat sa kanilang journal.

Sa takot sa mga halimbawa ng pagiging perpekto sa buong paligid ko, dinagdagan ko ang pagsisikap na tularan ang kababaihan sa ward namin, at nayamot ako sa sarili ko at pakiramdam ko may kasalanan ako kapag hindi ako tumakbo tuwing umaga, nag-bake ng sarili kong tinapay, nanahi ng sarili kong damit, o pumasok sa unibersidad. Nadama ko na kailangan kong maging katulad ng kababaihang kasama ko, at pakiramdam ko bigo ako dahil hindi ako madaling nakaakma sa kanilang pamumuhay.

Nakinabang sana ako sa panahong ito mula sa kuwento ng isang anim-na-taong-gulang na, nang tanungin ng isang kamag-anak ng, “Ano ang gusto mong maging?” ay sumagot ng, “Palagay ko magpapakatotoo na lang ako. Sinikap ko na gayahin ang ibang tao. Palagi akong bigo!” Tulad ng batang ito, matapos paulit-ulit na mabigong maging katulad ng ibang tao, sa huli ay nalaman ko na dapat akong magpakatotoo. Gayunman, kadalasa’y hindi iyon madali dahil ang mga hangarin nating makibagay, makipagsabayan at magpakitang-gilas, o magustuhan man lang ay hinihikayat tayong gayahin ang iba at hamakin ang sarili nating pinagmulan, mga talento, at sariling mga pasanin at hamon. … Kinailangan kong matutong pigilin ang aking pagkabalisa na kung hindi ako nakaakma, hindi ko lang kinaya.

… Nang tangkain kong gayahin ang kahanga-hangang kababaihan nang magturo ako sa klase na may espesyal na dekorasyon sa mesa at iba pang mga paraan sa pagtuturo na hindi pamilyar sa akin, nabigo ako dahil nangungusap pa rin sa akin ang Espiritu sa German, hindi sa Ingles. Ngunit nang humingi ako ng tulong sa panalangin, natuto akong umasa sa patnubay ng Espiritu, na nakatitiyak sa kaalaman na ako ay anak ng Diyos. Kinailangan kong matuto at maniwala na hindi ko kailangang makipagsabayan sa iba para ako mahalin at tanggapin ng aking Ama sa Langit. …

Larawan
women sitting together

… Ang ating mga pagsisikap ay hindi dapat para magsagawa ni para sumunod kundi para mabago ng Espiritu. …

Maraming problemang gumagapos sa atin sa mundo. Ang pagkakaroon ng tapat na puso ay nagpapalaya sa atin na alamin ang kalooban ng Diyos para sa ating buhay. …

… Kahit abala tayo sa pagtugon sa araw-araw nating mga hamon at pagkakataong lumago, hindi tayo maaaring mabuhay sa isang araw o isang minuto nang hindi nalalaman ang kapangyarihang taglay natin.