Musika
Kayong mga Tinawag na Maglingkod (Kalalakihan)


199

Kayong mga Tinawag na Maglingkod

Kalalakihan

May tapang

1. Kayong mga tinawag na maglingkod sa Diyos;

May pagkasaserdote, pinili N’yang lubos

Nasa mundo’y mangaral, nitong ebanghelyo,

Kaligtasan ng tao, itanghal sa mundo.

2. Makamundong hangarin ay h’wag hahayaan

Na inyong pagkatao ay kanyang dungisan

Habang nagpapahayag, sa bayang himbing:

“Ihanda ang sarili sa Kanyang pagdating!”

3. Iwaksi nang tuluyan, ang kapalaluan.

Manalangin, manahan sa katotohanan.

Espiritu ang guro, dulot ay biyaya.

Si Jesus ang kasama magpakailanman.

4. Biyaya’t pananalig, sa’yo’y naghihintay.

Gantimpala’y l’walhati, walang hanggang buhay.

Bigkis ng ani’y tangan, pagsapit sa Sion,

’Di na malulumbay pa, l’walhati ang naro’n.

Titik: Mary Judd Page, 1818–1907

Himig: Daniel B. Towner, 1850–1919

Doktrina at mga Tipan 4:1–7

Doktrina at mga Tipan 75:2–5