Musika
Magsipaglapit kay Jesucristo


68

Magsipaglapit kay Jesucristo

Malumanay

1. Magsipaglapit kay Jesucristo,

Kayong hapo at nagdurusa.

Papatnubayan ang ’yong pagtungo

Sa pahingahang lunan, lunan.

2. Magsipaglapit kay Jesucristo;

Kung ikaw man ay naliligaw,

Kanyang pag-ibig ang S’yang aakay

Sa liwanag ng araw, araw.

3. Magsipaglapit kay Jesucristo;

Diringgin N’ya ang ’yong dalangin.

Ang mga anghel ang s’yang tatanod,

Nagmumula sa langit, langit.

4. Magsipaglapit kay Jesucristo,

Sa bawat isla at lupain.

Sangkatauhan ay tinatawag,

“Magsipaglapit sa ’kin, sa’kin.”

Titik at himig: Orson Pratt Huish, 1851–1932

Mateo 11:28–30

2 Nephi 26:33