Musika
Halina, Mga Nagmamahal sa Diyos


66

Halina, Mga Nagmamahal sa Diyos

Maligaya

1. Mga nagmamahal

Sa ’ting Panginoon,

Ligaya nati’y itanghal

S’ya’y sambahing lubos.

2. Haya’ng h’wag umawit

Ang ’di S’ya kilala,

Ngunit galak ang s’yang hatid

Lahat ng sakop N’ya.

3. S’ya’ng Diyos, naghahari,

Tanaw ang daigdig,

S’ya’y alon at buhawi,

Kapayapaa’y hatid.

4. Mahal natin ang Diyos,

Pag-ibig S’ya’t Ama,

Sa ’tin, lakas N’ya’y kaloob

Nang langit makamtan.

Titik: Isaac Watts, 1674–1748

Himig: Aaron Williams, 1731–1776

Isaias 12:5

Mga Taga-Roma 8:28