Musika
Tayo na sa Panlinggong Paaralan


175

Tayo na sa Panlinggong Paaralan

May ningning

1. Sa pagsikat ng umaga, Mundo’y nagliliwanag

Mga ibo’y umaawit, Himig ay mulang langit.

Masigla tayong gigising, Sa pagsikat ng araw.

Kariktan ng kalikasan Ay lubos tuwing Sabbath.

[Chorus]

Tayo nang magsadya! Sa Panlinggong Paaralan!

Tayo na at magsadya Sa Panglinggong Paaralan.

2. Mal’walhati ang layunin ’Pag nagtipon sa Sabbath.

Sa tulong ng Diyos sa langit, Kaligtasan ang hanap.

Pagpupunyagi ay laging Mayroong gantimpala.

Sa isipang nagsisikap, May laan na biyaya.

[Chorus]

Tayo nang magsadya! Sa Panlinggong Paaralan!

Tayo na at magsadya Sa Panglinggong Paaralan.

3. Sumulong tayong may tapang, Katapata’y itanghal.

Sa gawain, S’yang pinuno, At gabay natin t’wina.

Pagod ay ’di alintana, May t’yaga hanggang wakas.

Mundo ma’y ating kaaway, Diyos ang kaibigang wagas.

[Chorus]

Tayo nang magsadya! Sa Panlinggong Paaralan!

Tayo na at magsadya Sa Panglinggong Paaralan.

Titik at himig: Robert B. Baird, 1855–1916

Doktrina at mga Tipan 59:9–11, 23

Isaias 58:13–14