Musika
Muli Nating Naririnig


12

Muli Nating Naririnig

Maringal

1. Muli nating naririnig,

Ang tinig ng Diyos natin.

Kadilima’y pinawi N’ya,

Nagwika S’ya sa atin.

Sa kaligtasang pangarap,

Lahat magsipagdiwang,

Ligaya N’ya’y sisimulan

Sa mga huling araw.

2. Ebanghelyo’y itanghal n’yo

O mga misyonero,

Mga bansa’y ihanda na

Sa pagdating ni Cristo.

Kapiling ng sanlibutan,

Sigaw nati’y hosana,

Isang walang hanggang himig

Papuri sa ngalan N’ya.

Titik at himig: Evan Stephans, 1854–1930

Joseph Smith—Kasaysayan 1:17

Doktrina at mga Tipan 128:19, 22–23