Musika
Jesus, Hamak nang Isilang


118

Jesus, Hamak nang Isilang

Mapitagan

1. Jesus, hamak nang isilang,

Ngayo’y may kal’walhatian.

S’ya noon ay namighati,

S’ya ngayo’y maghahari,

Sa daigdig, maghahari.

2. S’ya noo’y tupang kay-amo,

S’ya ngayon ang Panginoon.

S’ya noo’y sa krus pinaslang,

S’ya ngayo’y nakalulan,

Sa ulap, nakalulan.

3. S’ya noo’y nagdusang labis,

S’ya ngayon ay mal’walhati.

S’ya noon ay itinakwil,

S’ya ngayo’y ating Hari;

Sa lahat, S’ya ang Hari.

4. S’ya noo’y tinalikuran,

S’ya ngayo’y dinadakila.

No’n, lahat ay tiniis N’ya;

’Di na S’ya magdurusa,

’Di na S’ya magdurusa.

Titik: Parley P. Pratt, 1807–1857

Himig: Giacomo Meyerbeer, 1791–1864, hala

Lucas 2:7

Mateo 25:31