Musika
Piliin ang Tama


145

Piliin ang Tama

Maningning

1. Ang tama ay piliin mo sa t’wina;

Sa tama, Espiritu’y gabay;

Liwanag N’ya’y laging mananatili

Kung puso’y sa tama nabuhay.

[Chorus]

Piliin ang tama!

Haya’ng dunong ang magpasya.

Piliin ang tama!

Diyos ang sa ’yo’y magpapala.

2. Ang tama ay piliin mong landasin,

Sa tama ay h’wag kang lalayo.

May tama at mali sa bawat bagay,

Maging ligtas sa pasyang wasto.

[Chorus]

Piliin ang tama!

Haya’ng dunong ang magpasya.

Piliin ang tama!

Diyos ang sa ’yo’y magpapala.

3. Ang tama ay piliin mong gawain,

Dito ay ligtas ka’t payapa.

Sa lahat ng gawaing isusulong,

Langit at Diyos ang gawing nasa.

[Chorus]

Piliin ang tama!

Haya’ng dunong ang magpasya.

Piliin ang tama!

Diyos ang sa ’yo’y magpapala.

Titik: Joseph L. Townsend, 1849–1942

Himig: Henry A. Tuckett, 1852–1918

Moroni 7:16–17

2 Nephi 2:27–28