Musika
O mga Anak ng Diyos


30

O mga Anak ng Diyos

May pagdiriwang

1. O mga anak ng Diyos, Umawit nang malugod

Sa ating Panginoon Na maghaharing lubos.

Sa mundo’y mangyayari, Masama’y mapapawi;

Kung sala’y mawawala, Buhay ay mapayapa.

2. O laking kagalakan ’Pag si Cristo’y namasdan!

Sa Kanyang pagbabalik, Sala ay mapapawi.

Aawit ng papuri Sa ating Diyos at Hari!

Takot ay mapapalis Sa pusong may pagibig.

3. Tayo’y mananahanan Sa ilaw at kat’wiran;

Papuri’y aawitin, Kaligayaha’y atin.

Sala ay mapaparam, Ang buong kalikasan

T’yak na magmamahalan, Puso’y may kagalakan.

Titik: James H. Wallis, 1861–1940

Himig: Melodiyang Espanol; ina. ni Benjamin Carr, 1768–1831

Doktrina at mga Tipan 133:25, 33, 56

Apocalipsis 7:9–17