131
Ang Unang Noel
May pagbunyi
1. Unang sambit ng Noel, anghel ang nagwika
Sa mga pastol na sa parang nakita.
Sa parang kung sa’n naro’n sa lamig ng gabi,
Mga tupang alaga’y kan’lang katabi.
[Chorus]
Noel, Noel, Noel, Noel!
Sumilang ang Hari ng Israel!
2. Sila ay tumingala at tala’y nakita
Sa silangang malayo’y nagnining-ning pa.
At sa lupa’y nagbigay, kay gandang liwanag
At ito’y nagpatulo’y buong magdamag.
[Chorus]
Noel, Noel, Noel, Noel!
Sumilang ang Hari ng Israel!
Titik at himig: Tradisyunal na awiting pamaskong Ingles, mga ika-17 siglo
Lucas 2:8–20