83
Jesus, ang Inyong Alaala
Mapitagan
1. Jesus, ang ’Nyong alaala,
Dulot ay ligaya;
Ngunit kung kapiling t’wina
Ay mas mainam pa.
2. Hindi kayang ilarawan
Ng puso’t isipan
Ang katagang mas matamis
Sa Inyong pangalan.
3. O pag-asa at ligaya
Ng sangkatauhan,
O kaybait sa may sala
At nangangailangan!
4. Tanging ligaya’y sa Inyo,
Jesucristong asam,
L’walhati namin ay Kayo
Magpakailanpaman.
Titik: Ipi. na kay Bernard ng Clairvaux, mga 1091–1153; isi. ni Edward Caswall, 1814–1878
Himig: John B. Dykes, 1823–1876
Awit 104:34