Musika
Purihin ang Propeta


21

Purihin ang Propeta

May lakas

1. Purihin s’yang kaniig ni Jehova!

Hinirang ni Cristo na propeta.

Huling dispensasyon, sinimulan n’ya;

Mga hari’y pupuri sa kanya.

[Chorus]

Papuri sa propetang nasa langit!

S’ya’y ’di na muli pang magagapi.

Sa piling ng Diyos tayo’y tutulungan.

’Di na s’ya sakop ng kamatayan.

2. Purihin s’yang pumanaw nang dakila!

L’walhatiin ang kanyang pangalan!

Dugo n’yang pinadanak ng kalaban,

Nagsusumamo sa kalangitan.

[Chorus]

Papuri sa propetang nasa langit!

S’ya’y ’di na muli pang magagapi.

Sa piling ng Diyos tayo’y tutulungan.

’Di na s’ya sakop ng kamatayan.

3. Walang hanggan, ang pagkasaserdote,

Dakila ang kal’walhatian n’ya.

Makakamtan n’ya’ng kanyang kaharian

Sa piling ng naunang propeta.

[Chorus]

Papuri sa propetang nasa langit!

S’ya’y ’di na muli pang magagapi.

Sa piling ng Diyos tayo’y tutulungan.

’Di na s’ya sakop ng kamatayan.

4. Biyaya’y bunga ng pagpapasakit;

Buhay n’ya’y dapat na pagbayaran.

Itanghal si Joseph sa sandaigdigan,

Mundo’y imulat sa katarungan.

[Chorus]

Papuri sa propetang nasa langit!

S’ya’y ’di na muli pang magagapi.

Sa piling ng Diyos tayo’y tutulungan.

’Di na s’ya sakop ng kamatayan.

Titik: William W. Phelps, 1792–1872

Himig: Katutubong awiting Eskoses

Doktrina at mga Tipan 135

2 Nephi 3:14–15