Musika
Magpatuloy Tayo


148

Magpatuloy Tayo

May lakas

1. Magpatuloy tayo sa gawain ng Diyos,

Nang gantimpala ay mapasa’tin nang lubos;

Sa katuwiran tayo’y makipaglaban,

Sandata’y katotohanan.

[Chorus]

Sulong, ang kalaba’y harapin;

Giting! Diyos ay kaisa natin.

’Di susuko sa wika ng masama,

At ang Diyos, ang tanging susundin.

2. Kahit tayo ay mangilan-ngilan lamang,

Ang kalaban natin ay ’di dapat urungan;

Ikaw at ako’y mayroong kaagapay,

Kasama’ng Diyos sa tagumpay.

[Chorus]

Sulong, ang kalaba’y harapin;

Giting! Diyos ay kaisa natin.

’Di susuko sa wika ng masama,

At ang Diyos, ang tanging susundin.

3. Kung gawi’y mat’wid h’wag mahihintakutan,

Sapagkat ang Panginoon nati’y nariyan;

At sa pagsubok, Banal N’ya’y aaliwin,

Totoo’y pagpapalain.

[Chorus]

Sulong, ang kalaba’y harapin;

Giting! Diyos ay kaisa natin.

’Di susuko sa wika ng masama,

At ang Diyos, ang tanging susundin.

Titik at himig: Evan Stephens, 1854–1930

Doktrina at mga Tipan 6:33–37

1 Nephi 22:15–17