Musika
Saligan ng Kaligtasan


160

Saligan ng Kaligtasan

May tibay ng loob

1. Saligan ng kaligtasan,

Jesucristo, aming Diyos,

Ang Inyong bandila’y aming

’Winagayway nang lubos.

[Chorus]

Magtipon, O kabataan,

May pag-asa ang laban.

Bawa’t araw palapit sa

Mithing katotohanan.

2. Kami ay nasa digmaan

Laban sa kasalanan.

O Panginoon, tulungang

Magwagi’y kabutihan.

[Chorus]

Magtipon, O kabataan,

May pag-asa ang laban.

Bawa’t araw palapit sa

Mithing katotohanan.

3. Sulong, sulong, ang awitin,

May tatag bawat hakbang.

Bawat digmaa’y may giting,

Pagsisikap ang laan.

[Chorus]

Magtipon, O kabataan,

May pag-asa ang laban.

Bawa’t araw palapit sa

Mithing katotohanan.

4. Pagkalipas ng digmaan,

At kamit na’ng tagumpay,

’Pag ang dusa’y nalunasan,

Gawai’y nagampanan.

[Chorus]

Saligan ng kaligtasan,

Jesucristo, aming Diyos,

Sa hamak na katayuan,

Pagpalain N’yong lubos.

Titik: Joseph L. Townsend, 1849–1942

Himig: William Clayson, 1840–1887

Helaman 5:12

Awit 62:1–2