Musika
Bilang Magkakapatid sa Sion (Kababaihan)


197

Bilang Magkakapatid sa Sion

Kababaihan

May tatag ng loob

1. Bilang mga magkakapatid sa Sion,

Tayong mga babae’y tulong-tulong.

Basbas ng Diyos sa ’ting gawain ang hanap,

Handog ay ginhawa sa naghihirap.

2. Sa kababaihan ’pinagkatiwala,

Dakilang gawain ng mga anghel.

Ligaya’t biyaya’y hatid sa’ting kapwa,

Sa sangkatauhan ay kawanggawa.

3. Layuni’y kay lawak, hangari’y kay rami,

Kung tutuparin sa diwa at gawa.

Tanging sa tulong ng Epiritu Santo

May karunungan at tagumpay tayo.

Titik: Emily H. Woodmansee, 1836–1906

Himig: Janice Kapp Perry, p. 1938. © 1985 IRI

Mga Taga-Galacia 6:2, 9–10

Doktrina at mga Tipan 11:12–14