Musika
Salamat, O Diyos, sa Aming Propeta


15

Salamat, O Diyos, sa Aming Propeta

Masigla

1. Salamat, O Diyos, sa aming propeta;

Sa huling araw patnubay S’ya.

Salamat sa gawad N’yong ebanghelyo,

Na s’yang aming liwanag dito.

Salamat sa bawat biyaya,

Na saganang gawad N’yo t’wina.

Kasiyahan naming maglingkod

At sa utos N’yo ay sumunod.

2. T’wing kami rito ay nababagabag,

At sadyang kaygulo ng lahat,

Kami ay may pag-asang nakikita,

Dahil paglaya’y malapit na.

Sa Diyos ay walang alinlangan;

Subok ang Kanyang kabutihan.

At ang lumalaban sa Sion

Ay malulupig din sa wakas.

3. Kabutihan N’ya’y ating aawitin;

Gabi’t araw S’yang pupurihin.

Tayo ay magdiwang sa ebanghelyo,

At lumagi sa tanglaw nito.

Sa walang hanggang kaganapan

Ang tungo ng mga matapat.

Silang tumanggi sa mensahe,

Ang ligaya’y di matatanggap.

Titik: William Fowler, 1830–1865

Himig: Caroline Sheridan Norton, 1808–mga 1877

Doktrina at mga Tipan 21:1–5

Mosias 2:41