Musika
Halina, Hari ng Lahat


32

Halina, Hari ng Lahat

May tapang

1. Halina, Hari ng lahat!

At kaytagal nang naghintay

Upang kami ay lunasan

At bigyang kalayaan.

Halina, aming mithiin,

Ang Israel ay tipunin.

2. Ang kasalana’y sugpuin

At ang mundo ay linisin.

Kabutiha’y Inyong dalhin,

Nang Banal ay umawit

Ng kaysayang pagpupuri,

At paghahari’y tanggapin.

3. Hosana ay sinasambit

Ng mga taong tinubos.

L’walhati ang maririnig,

Tagumpay ang s’yang awit;

Hanggang langit ang papuri,

Buhat sa Sion ang himig.

4. Purihin ang Panginoon

Ng kapayapaa’t buhay!

Habang ang mga hinirang,

Kay Cristo’y nagpupugay.

At luluhod, buong mundo,

Papuri’y alay sa Inyo.

Titik: Parley P. Pratt, 1807–1857

Himig: Di-kil., mga 1889

Doktrina at mga Tipan 45:39, 44

Isaias 35:10