Musika
Ako’y Naniniwala kay Cristo


76

Ako’y Naniniwala kay Cristo

Mataimtim

1. Naniniwala ako kay Cristo,

Aawitan S’yang buong puso.

Ang tinig ko’y iaalay,

Buong lakas magpupugay.

Naniniwala ako kay Cristo,

’Sinilang S’ya dito sa mundo;

Ang maysakit, napagaling,

Ang ngalan N’ya ay purihin.

2. Naniniwala ako kay Cristo;

Upang maghari’y pumarito

Bilang anak ni Maria;

Buong mundo’y ’niligtas N’ya.

Naniniwala ako kay Cristo,

Lahat ng sa Diyos ay natamo.

Sa lahat ay Kanyang bilin,

“Magsisunod kayo sa ’kin.”

3. Naniniwala ako kay Cristo;

Kanyang gawad ang ebanghelyo.

Buong pusong sasambahin,

Liwanag ay alay N’ya rin.

Naniniwala ako kay Cristo;

Mga sala ko, S’yang umako.

Manahang maligaya

Sa walang hanggang langit N’ya.

4. Naniniwala ako kay Cristo,

Katuparan ng pangarap ko.

Kahit may luha at lumbay,

Pangako N’ya ang tagumpay.

Naniniwala ako kay Cristo;

Mapaano man ang buhay ko.

S’ya sana’y makapiling ko

Sa pagbalik N’ya sa mundo.

Titik: Bruce R. McConkie, 1915–1985. © 1972 IRI

Himig: John Longhurst, p. 1940. © 1985 IRI

2 Nephi 25:23, 26, 29

Mormon 7:5–7