Musika
Alang-alang Sa Yumaong Banal


42

Alang-alang Sa Yumaong Banal

Maringal

1. Alangalang sa yumaong Banal

Nasa daigdig ngalan N’yo’y ’tinanghal.

— Pagpalain ang ngalan N’yo, Jesus.

Aleluia, Aleluia.

2. Ang mga kawal Ninyong matapat,

Maging tulad ng naunang Banal

At makamtan, tagumpay na hangad.

Aleluia, Aleluia.

3. Kayo’ng aming saliga’t tanggulan;

Panginoong pinuno sa laban;

Tanging liwanag sa ka diliman.

Aleluia, Aleluia.

4. Sa kay tinding digmaan at hapis,

Himig-tagumpay ay maririnig,

At tapang sa puso ay nagbabalik.

Aleluia, Aleluia.

5. Sa lahat ng dako nagmumula,

— Nagaawitan, kaylaking madla,

Sa Diyos, kay Jesus, at sa Espiritu:

Aleluia, Aleluia.

Titik: William Walsham How, 1823–1897, binago

Himig: Ralph Vaughan Williams, 1872–1958

Hinalaw mula sa English Hymnal nang may pahintulot ng Oxford University Press.

Ang paggawa ng mga kopya nang walang kasulatang pahintulot mula sa may-ari ng karapatang-sipi ay ipinagbabawal.

II Kay Timoteo 4:7–8

Apocalipsis 14:12–13