Musika
Tayo’y Magpuri Kay Jesus


108

Tayo’y Magpuri Kay Jesus

Mataimtim

1. Tayo’y magpuri kay Jesus,

At S’ya’y parangalan,

S’yang namatay sa Kalbaryo

Nang tayo’y mabuhay.

2. Libinga’y dinaanan N’ya,

Kaligtasa’y alay,

Tinawag N’ya ang maysala

Upang gawing banal.

3. Kamataya’y ginapi N’ya,

At ang kasamaan;

Sa tinig N’ya’y mabubuksan,

Pinto ng libingan.

4. Tinapay at tubig ang s’yang

Sagisag ng alay

Mga Banal, sa pagtanggap,

Isipin S’yang tunay.

Titik: Richard Alldridge, 1815–1896

Himig: Joseph Coslett, 1850–1910

2 Nephi 9:5, 10–12

Moises 4:20–21