52
Salamat sa Ating Diyos
May sigla
1. Salamat sa ating Diyos,
Pagpapala N’ya’y lubos.
Aniha’y natapos na,
Dumating man ang sigwa.
Diyos ang S’yang naglalaan
Ng ating kailangan.
Sa templo ng Diyos Ama,
Halina, O halina.
2. Diyos ang S’yang nagtatanim
Sa mundong Kanyang hardin.
Ang palay at ang damo,
Sa lupa’y magkahalo.
Sa pagusbong ng bunga,
May papuri sa Ama.
Sa Diyos ay aming hiling,
Kami ay dalisayin.
Titik: Henry Alford, 1810–1871
Himig: George J. Elvey, 1816–1893
Marcos 4:26–28