Musika
Magsisunod Kayo sa Akin


67

Magsisunod Kayo sa Akin

May pagpapakumbaba

1. “Magsisunod kayo sa ’kin,”

Ang wika ni Cristo sa ’tin,

Upang tayo’y makiisa

Sa Bugtong ng ating Ama.

2. “Magsisunod kayo sa ’kin,”

Simpleng turan, at taimtim

Dito’y ang katotohanang

S’yang pupukaw sa isipan.

3. Sapat bang malaman lang

Na dito’y dapat S’yang sundan

Habang tayo’y nabubuhay?

Hindi, hanggang sa langit man.

4. Di lamang dito susundin,

Halimbawang alay sa ’tin,

Kundi kahit naroon na

At sa langit kapiling S’ya.

5. Landas N’ya ay tatahakin

Sa paglawak ng tanawin,

At sundan S’ya walang hanggan,

Anuman ang katayuan.

6. L’walhati’y kapangyarihan

At ligaya’y makakamtan

Kung tawag N’ya ay susundin,

“Magsisunod kayo sa ’kin.”

Titik: John Nicholson, 1839–1909

Himig: Samuel McBurney, p. 1847

Mateo 4:19

2 Nephi 31:10–21