Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 40: Ang mga Pangitain sa Templo sa Kirtland: (Abril 1836)


Kabanata 40

Ang mga Pangitain sa Templo sa Kirtland

(Abril 1836)

Larawan
Apostles blessing sacrament

Isang Linggo ng hapon, ang mga Banal ay nagkaroon ng isang pagpupulong sa Templo sa Kirtland. Ang mga Apostol ay nagbasbas ng sakramento. Si Joseph Smith at ang kanyang mga tagapayo ang nagpasa ng sakramento sa mga Banal.

Doktrina at mga Tipan 110, Paunang Salita

Larawan
Jesus appearing to Joseph and Oliver

Pagkatapos nagtungo sa isang lugar sa templo sina Joseph Smith at Oliver Cowdery. Sila ay lumuhod at nanalangin. Pagkatapos ng kanilang panalangin, isang kamanghamanghang bagay ang nangyari. Nakita nila ang Panginoong Jesuscristo. Ang kanyang mga mata ay maliwanag tulad ng apoy. Ang kanyang buhok ay kasingputi ng yelo. Ang kanyang mukha ay mas maliwanag pa kaysa araw.

Larawan
Jesus accepting the temple

Sinabi ni Jesus kina Joseph at Oliver ang maraming kamangha-manghang bagay. Sinabi niya sa kanila na siya ang kanilang Tagapagligtas. Siya ay namatay para sa kanila. Siya ay nabuhay na mag-uli. Sinabi ni Jesus na ang mga tao na gumawa ng templo ay dapat maging napakasaya. Sinabi ni Jesus na siya ay nasisiyahan sa templo. Ito ang kanyang banal na tahanan. Sinabi ni Jesus na siya ay darating sa templo nang maraming uli. Siya ay makikipag-usap sa mga Banal. Subalit kung ang mga Banal ay hindi pinapanatiling banal ang templo, siya ay hindi darating.

Larawan
Moses appearing to Joseph and Oliver

Pagkatapos nakakita ng mga anghel sina Joseph at Oliver sa Templo sa Kirtland. Una nilang nakita si Moises. Si Moises ay isang propeta na nabuhay matagal nang panahon ang nakararaan. Siya ang namuno sa mga Israelita palabas ng Egipto. Ang kuwento ni Moises ay nasa Lumang Tipan at sa Mahalagang Perlas. Si Moises ay nagbigay ng natatanging kapangyarihan ng pagkasaserdote kina Joseph at Oliver. Pagkatapos ay maaari nilang tulungan ang mga Israelita na magkatipun-tipon mula sa lahat ng sulok ng mundo.

Larawan
Elias appearing to Joseph and Oliver

Sumunod, nakita nina Joseph at Oliver si Elias. Si Elias ang nagdala ng kapangyarihan ng pagkasaserdote ni Abraham sa Simbahan ni Jesucristo. Si Abraham ay nabuhay matagal nang panahon ang nakararaan. Pinagpala ng Diyos si Abraham. Binigyan niya si Abraham ng isang natatanging kapangyarihan ng pagkasaserdote. Ang mag-anak ni Abraham ay palagiang magkakaroon ng pagkasaserdote. Ang mabubuting miyembro ng Simbahan ay magiging kabilang sa mag-anak ni Abraham.

Larawan
Elijah appearing to Joseph and Oliver

Pagkatapos nakita nina Joseph at Oliver si Elijah. Si Elijah ay isang propeta na nabuhay matagal nang panahon ang nakararaan. Sinabi ni Elijah na dapat matutuhan ng mga tao ang tungkol sa kanilang mga ninuno. Dapat magsagawa ang mga tao ng gawain sa templo para sa kanilang mga ninuno. Si Elijah ay nagbigay ng natatanging kapangyarihan ng pagkasaserdote kina Joseph at Oliver. Ang kapangyarihan ng pagkasaserdote ay tumutulong sa mga mabubuting mag-anak. Sila ay maaaring pagbuklurin sa isa’t isa. Pagkatapos maaari silang mabuhay nang sama-sama nang walang hanggan.