Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 7: Nakita ng mga Saksi ang mga Laminang Ginto: (1829–1830)


Kabanata 7

Nakita ng mga Saksi ang mga Laminang Ginto

(1829–1830)

Larawan
Joseph and Oliver

Natapos nang isalin nina Joseph Smith at Oliver Cowdery ang Aklat ni Mormon. Ibig ni Jesucristo na mabasa ng mga tao ang Aklat ni Mormon. Ibig niyang malaman nila na nagsasabi si Joseph Smith ng katotohanan tungkol sa mga laminang ginto. Ibig ni Jesus na malaman ng mga tao na ang mga laminang ginto ay totoo.

Larawan
Martin Harris, Oliver Cowdery, and David Whitmer

Si Joseph Smith lamang ang tanging tao na nakakita ng mga laminang ginto. Pumili si Jesus ng tatlo pang ibang kalalakihan makakikita sa mga laminang ginto. Ang kalalakihang ito ay tinatawag na mga saksi. Ang kalalakihang ito ay sina Martin Harris, Oliver Cowdery, at David Whitmer.

Larawan
angel with the gold plates

Dinala ni Joseph ang tatlong saksi sa kakahuyan. Sila ay nanalangin. Dumating ang isang anghel at ipinakita sa kanila ang mga laminang ginto. Ipinakita niya sa kanila ang mga nakasulat sa mga lamina. Sinabi ni Jesus sa tatlong saksi na isulat ang tungkol sa mga bagay na kanilang nakita.

Larawan
Joseph, Martin, Oliver and David

Masayang-masaya si Joseph. Ang mga saksi ang magsasabi sa ibang tao na ang mga laminang ginto ay totoo. Ngayon malalaman ng mga tao na si Joseph ay nagsasabi ng katotohanan tungkol sa mga lamina.

Larawan
eight witnesses

Sinabi ni Jesus kay Joseph na ipakita sa walo pang saksi ang mga lamina. Nahawakan ng walo pang kalalakihan ang mga lamina sa kanilang mga kamay. Nakita nila ang mga nakasulat sa mga lamina.

Larawan
witness writing letter

Lahat ng saksi ay sumulat tungkol sa mga laminang ginto. Sinabi nila na nakita nila ang mga lamina. Sinabi nila na ang mga laminang ginto ay totoo. Ang mga salitang isinulat ng mga saksi ay nasa Aklat ni Mormon.

Larawan
Joseph giving Moroni gold plates

Isinalin ni Joseph Smith ang mga lamina. Nakita ito ng mga saksi. Hindi na kailangan ni Joseph Smith ang mga laminang ginto. Pumunta kay Joseph si Anghel Moroni. Isinauli ni Joseph ang mga laminang ginto kay Moroni.

Larawan
printing the Book of Mormon

Ngayon ang Aklat ni Mormon ay handa nang ilimbag. Dinala ito ni Joseph Smith sa manlilimbag. Walang pera si Joseph upang mabayaran ang manlilimbag. Si Martin Harris ay may maraming pera. Sinabi ni Jesus na kailangang magbahagi si Martin Harris ng kanyang pera upang mabayaran ang manlilimbag.

Larawan
wicked men

Ayaw ni Satanas na mailimbag ang Aklat ni Mormon. Ayaw niyang mabasa ito ng mga tao. Sinubukang pigilin ng masasamang tao ang manlilimbag.

Larawan
man stealing pages of book

Ang manlilimbag ay hindi gumagawa tuwing Linggo. Isang masamang tao ang pumunta sa palimbagan tuwing Linggo. Ninakaw niya ang ilan sa mga pahina ng Aklat ni Mormon. Inilathala niya ang mga pahina sa isang pahayagan. Pinahinto siya ng mabubuting tao sa pagnanakaw ng mga pahina.

Larawan
printer with finished book

Ibig ni Jesus na mabasa ng mga tao ang Aklat ni Mormon. Hindi maaaring pigilin ng masasamang tao ang gawain ni Jesus. Hindi mapahihinto ng masasamang tao ang manlilimbag. Sa wakas ang Aklat ni Mormon ay nailimbag. Ngayon maraming tao ang nakababasa nito. Maaari nilang matutuhan ang ebanghelyo ni Jesucristo.