Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 1: Si Joseph Smith at ang Kanyang Mag-anak: (1805–1820)


Kabanata 1

Si Joseph Smith At Ang Kanyang Mag-Anak

(1805–1820)

Larawan
Joseph Smith as young boy

Ipinanganak si Joseph Smith noong ika-23 ng Disyembre 1805. Ang kanyang mag-anak ay tumira sa estado ng Vermont. Ang Vermont ay nasa Estados Unidos ng Amerika. Joseph din ang pangalan ng ama ni Joseph Smith. Ang pangalan ng kanyangina ay Lucy.

Larawan
Joseph and his siblings

Si Joseph ay may anim na kapatid na lalaki at tatlong kapatid na babae.

Larawan
Joseph’s family working

Ang ama at ina ni Joseph ay mabubuting tao. Mahal nila ang kanilang mga anak. Sila ay nagsumikap upang maitaguyod ang kanilang mga anak.

Larawan
Joseph in bed

Noong si Joseph ay bata pa, nagkaroon siya nang malubhang sugat sa kanyang paa. Sinikap ng mga doktor na pagalingin ito, subalit hindi nila nagawa.

Larawan
Hyrum sitting beside Joseph’s bed

Si Hyrum Smith ay nakatatandang kapatid ni Joseph. Mahal niya si Joseph. Ikinalungkot ni Hyrum ang matinding kirot sa paa ni Joseph. Umupo siya sa tabi ng kama ni Joseph. Sinikap niyang tulungan si Joseph na bumuti ang pakiramdam.

Larawan
Lucy Mack Smith with Joseph

Ibig putulin ng mga doktor ang paa ni Joseph. Subalit hindi sila pinahintulutan ng kanyang ina. Kaya nagpasiya silang kunin lamang ang kapirasong bahagi ng kanyang buto.Alam ni Joseph na masasaktan siya kapag hiniwa ng mga doktor angkanyang paa. Subalit siya ay may pananampalataya. Alam niyang tutulungan siya ng Ama sa Langit.

Larawan
Joseph and his mother

Hiniling ng mga doktor kay Joseph na uminom ng alak upang hindi maging matindi ang sakit na kanyang mararamdaman. Ayaw inumin ni Joseph ang alak. Hiniling ni Joseph na lumabas ang kanyang ina. Ayaw niyang makita ng kanyang ina ang paghiwa ng mga doktor sa kanyang paa.

Larawan
doctors operating on Joseph’s leg

Hiniling ni Joseph na hawakan siya ng kanyang ama. Hiniwa ng mga doktor ang paa ni Joseph. Inalis nila ang may diperensiyang bahagi ng buto sa kanyang paa. Nasaktan nang husto si Joseph. Subalit napakatapang niya. Pagkaraan ngmaraming araw ay magaling-galing na ang kanyang paa.

Larawan
log cabin

Nang tumanda-tanda na si Joseph, lumipat ang kanyang maganak sa estado ng New York. Tumira sila sa isang bahay na troso sa sakahang malapit sa Palmyra.

Larawan
Lucy Mack Smith washing clothes

Mahirap lamang ang mag-anak ni Joseph. Kinailangan nilang magsumikap upang mabayaran nila ang sakahan. Tinulungan ng mga batang lalaki ang kanilang ama na magtanim. Inalagaan nila ang mga hayop. Ang mga batang babae namanay tumulong sa gawain ng kanilang ina.

Larawan
Joseph stick-pulling with brother

Si Joseph ay mabuting bata. Masaya siya. Mahilig siyang tumawa at magsaya.