Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 43: Pinangalanan ni Jesucristo Ang Kanyang Simbahan: (Abril 1838)


Kabanata 43

Pinangalanan ni Jesucristo Ang Kanyang Simbahan

(Abril 1838)

Larawan
Joseph receiving revelation

Si Joseph Smith ay nasa Far West, Missouri. Isang araw siya ay binigyan ni Jesus ng isang mahalagang paghahayag. Sinabi ni Jesus kay Joseph ang pangalan ng kanyang totoong Simbahan.

Larawan
Jesus standing among members

Ang totoong Simbahan ay pinangalanang Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sapagkat ang pinuno nito ay si Jesus. Ang Simbahan ay kanyang simbahan. Ito lamang ang totoong simbahan. Ang mga Banal sa mga Huling Araw ay mga Banal na nabubuhay sa ngayon. Ang Huling Araw ay ang mga huling araw bago si Jesus ay muling bumalik sa mundo. Ang mga Banal ang mabubuting tao na naniniwala kay Jesucristo. Sila ay mga miyembro ng kanyang totoong Simbahan.