Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 16: Nalaman nina Joseph Smith at Sidney Rigdon ang Tungkol sa Sion: (1830)


Kabanata 16

Nalaman nina Joseph Smith at Sidney Rigdon ang Tungkol sa Sion

(1830)

Larawan
missionaries meeting Sidney Rigdon

Habang si Oliver Cowdery at ang kanyang kaibigan ay nasa misyon, huminto sila malapit sa Kirtland. Nakilala nila ang isang taong nagngangalang Sidney Rigdon. Siya ay isang pinuno ng ibang simbahan.

Larawan
missionaries teaching Sidney Rigdon

Binigyan ng mga misyonero si Sidney ng Aklat ni Mormon. Siya ay kanilang tinuruan ng ebanghelyo. Binasa ni Sidney Rigdon ang Aklat ni Mormon. Nagdasal siya ng tungkol dito. Sinabi ng Ama sa Langit sa kanya na ang ebanghelyo ay totoo. Si Sidney Rigdon ay nabinyagan.

Larawan
Sidney Rigdon introducing missionaries

Sinabi ni Sidney Rigdon sa mga miyembro ng kanyang simbahan na makinig sa mga misyonero. Marami sa kanila ang nabinyagan. Di nagtagal ay isang libong tao ang nabinyagan sa Kirtland.

Larawan
men entering water

Ibig ni Sidney Rigdon na makilala si Joseph Smith. Pumunta siya sa New York upang bisitahin ang propeta. Nagbigay si Jesus ng isang paghahayag kay Joseph Smith para kay Sidney Rigdon. Sinabi ni Jesus na si Sidney Rigdon ay gagawa ng mga mahalagang bagay. Ituturo niya ang ebanghelyo sa maraming tao. Sila ay kanyang bibinyagan at bibigyan ng kaloob na Espiritu Santo.

Larawan
men of old

Sinabi ni Jesus kina Joseph at Sidney na ang ilang bahagi ng Biblia ay binago maraming taon na ang nakalipas. Ilan sa mahalagang kuwento ay wala na sa Biblia. Isasalaysay ni Jesus kay Joseph Smith ang mga kuwento na wala sa Biblia. Dapat itong isulat ni Sidney Rigdon.

Larawan
prophet Enoch with his people

Isa sa mga kuwento ay nagsasalaysay tungkol kay Enoc. Si Enoc ay isang dakilang propeta. Tinuruan niya ang kanyang mga taona maging mabuti. Tinawag ng Panginoon ang mabubuting tao ni Enoc na Sion. Ang mga tao ni Enoc ay nagtayo ng isang lungsod. Pinangalanan nila ang lungsod ni Enoc na Sion. Sa Sion, ang mga tao ay nagmamahalan. Inaalagaan nila ang bawat isa. Wala ni isang mahirap o malungkot.

Larawan
Jesus dwelling in city of Zion

Ang bawat isa sa Sion ay sumusunod sa kautusan ng Ama sa Langit. Labis ang kabutihan ng mga tao kaya si Jesus ay dumating at nanirahan sa piling nila. Pagkatapos ay dinala ng Diyos ang mga tao ng Sion sa langit upang manirahan sa piling niya.

Larawan
Jesus speaking to Zion

Sinabi ni Jesus kay Joseph Smith na turuan niya ang kanyang mga tao na maging mabuti. Kailangan nilang sikapin na makapagtayo ng isa pang lungsod na tatawaging Sion. Ang lungsod ay magiging maganda. Ang bawat isa roon ay magmamahal sa Ama sa Langit. Ang bawat isa roon ay magmamahalan. Ang bawat isa sa Sion ay magiging masaya. Si Jesus ay darating at maninirahan sa piling nila.