Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 11: Higit na Maraming Tao ang Sumapi sa Simbahan: (Abril–Hunyo 1830)


Kabanata 11

Higit na Maraming Tao ang Sumapi sa Simbahan

(Abril–Hunyo 1830)

Larawan
members arriving

Nakalipas ang maraming linggo. May dalawampu’t pitong miyembro ang Simbahan. Silang lahat ay hindi nakatira sa iisang bayan. Hiniling ni Joseph na sila ay dumalo sa isang komperensiya. Ang komperensiya ay isang natatanging pagtitipon para sa lahat ng Banal. Ang mga Banal ay miyembro ng Simbahan ni Jesucristo.

Larawan
Saints partaking of sacrament

Ang mga Banal ay tumanggap ng sakramento sa komperensiya. Ang ilan sa kalalakihan ay iordenan sa pagkasaserdote. Pinagpala ng Espiritu Santo ang mga Banal. Sila ay masayang-masaya.

Larawan
people attending conference

May ilang ibang tao ang dumalo sa komperensiya. Hindi sila mga miyembro ng Simbahan. Natutuhan nila ang ebanghelyo sa komperensiya. Ibig nilang sumapi sa Simbahan. Sila ay bininyagan. Pagkatapos ng komperensiya si Joseph Smith aynagtungo sa ibang bayan. Ilan sa mabubuting tao roon ay ibig magpabinyag. Sinabi ni Joseph na maaari silang mabinyagan sa isang sapa.

Larawan
wicked people destroying dam

Ang mga tao ay nagtayo ng maliit na prinsa sa sapa. Gumawa sila ng isang magandang lugar upang pagbinyagan. Kinagabihan, winasak ng ilang masasamang tao ang prinsa.

Larawan
mob interrupting baptism

Ginawang muli ng mabubuting tao ang prinsa. Pagkatapos ay sinimulan ni Oliver Cowdery na binyagan sila. Kaagaddumating ang mga mandurumog. Ang mga mandurumog ay isang grupo ng malulupit at masasamang tao. Ang mga mandurumog ay nagsabi ng masasamang bagay sa mabubuting tao. Tinangka ng mga mandurumog na sila ay saktan. Subalit iniligtas ng Diyos ang mabubuting tao.

Larawan
Joseph in prison cell

Ibig ni Satanas na lumikha ng gulo ang mga mandurumog para sa Simbahan ni Jesucristo. Ang masasamang tao ay nagsabi ng mga kasinungalingan tungkol kay Joseph Smith. Sinabi nila na siya ay gumagawa ng masasamang bagay. SiJoseph Smith ay ikinulong.

Larawan
Joseph being arrested again

Tinangkang saktan ng malulupit na tao si Joseph Smith. Siya ay kanilang dinuraan. Hindi nila siya binigyan ng pagkain. Ang ilan sa kanila ay nagsabi ng kasinungalingan tungkol kay Joseph. Subalit ang mabubuting tao ay nagsabi ng katotohanan tungkol kay Joseph. Sinabi nila na si Joseph ay isang mabuting tao. Sa wakas si Joseph ay pinalaya sa kulungan.