Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 37: Ang mga Pinuno ng Pagkasaserdote: (Pebrero 1835)


Kabanata 37

Ang mga Pinuno ng Pagkasaserdote

(Pebrero 1835)

Larawan
Joseph speaking

Si Joseph Smith ay nagkaroon ng isang mahalagangpagpupulong sa Kirtland, Ohio. Hiniling niya sa kalalakihanng Kampo ng Sion na dumalo. Sinabi ni Joseph sa kalalakihanna ibig ni Jesus na magkaroon ng labindalawang Apostolupang tumulong sa pamumuno ng kanyang Simbahan.

Larawan
Oliver Cowdery, David Whitmer, and Martin Harris

Sinabi ng Panginoon kina Oliver Cowdery, David Whitmer, atMartin Harris na pumili ng mga Apostol. Sa pagpupulong,binasbasan ng Unang Panguluhan ng Simbahan sina Oliver,David, at Martin. Pagkatapos nanalangin sila nang samasama.Sila ay pumili ng labindalawang mabubutingkalalakihan.

Larawan
First Presidency ordaining Apostle

Inordenan ang kalalakihan. Sila ang Labindalawang Apostol.

Larawan
Twelve Apostles

Ang mga Apostol ay napakahalagang kalalakihan saSimbahan. Alam nila na si Jesus ang ating Tagapagligtas.Nagtuturo sila ng ebanghelyo sa buong daigdig.

Larawan
members of the Seventy

Makalipas ang ilang araw, ibang kalalakihan naman angnapiling mga pinuno ng Simbahan. Tinawag silang UnangKorum ng Pitumpu. Ang Unang Korum ng Pitumpu aytumutulong sa mga Apostol. Sila ang mga pinuno ng gawaingmisyonero ng Simbahan.

Larawan
Twelve Apostles in meeting

Isang araw, ang Labindalawang Apostol ay nasa isangpagpupulong. Nagsisipaghanda sila upang magtungo ngmisyon. Sinisikap nilang maging mabuti. Ibig nila ang tulongng Ama sa Langit.

Larawan
Joseph and Apostles kneeling in prayer

Hiniling ng mga Apostol kay Joseph Smith na manalanginpara sa isang paghahayag na makatutulong sa kanila sakanilang pagmimisyon. Si Jesus ay nagbigay ng isangdakilang paghahayag kay Joseph at sa mga Apostol. Sinabiniya sa kanila ang tungkol sa pagkasaserdote.

Larawan
priesthood brethren performing blessing

Ang pagkasaserdote ay kapangyarihan ng Diyos. Ito ang pinakadakilangkapangyarihan sa ibabaw ng mundo. Ibinibigay ng Diyos ang pagkasaserdote samabubuting kalalakihan. Ginagamit ng kalalakihan ang sa pagkasaserdotepagpapatupad ng gawain ng Diyos.

Larawan
Melchizedek Priesthood bearers

May dalawang pagkasaserdote sa Simbahan. Ang una ay angPagkasaserdoteng Melquisedec. Ang mga pinuno ngSimbahan ay may Pagkasaserdoteng Melquisedec. Ang mgapinuno ay ang Pangulo ng Simbahan at ang kanyang mgatagapayo, ang Labindalawang Apostol at ang Unang Korumng Pitumpu.

Larawan
Joseph speaking to First Presidency

Ang Pangulo ng Simbahan ay ang propeta ng Diyos. Siya angnagsasabi sa mga tao kung ano ang ibig ipagawa ni Jesus sakanila. May kalalakihang tumutulong sa propeta. Sila aykanyang mga tagapayo. Ang propeta at ang kanyang mgatagapayo ay ang Unang Panguluhan ng Simbahan.

Larawan
High Priests in the Melchizedek Priesthood

Ang iba pang kalalakihan sa Simbahan ay mayPagkasaserdoteng Melquisedec. Sila ay tinatawag na matataasna saserdote, pitumpu, at elder. Ang matataas na saserdote aymaaaring maging mga patriyarka, pangulo ng mga istaka,matataas na tagapayo, at mga obispo.

Larawan
elders in the Melchizedek Priesthood

Ang ilang kalalakihan ay piniling maging pitumpu.

Larawan
elders leaving on mission

Ang ibang kalalakihan ay piniling maging elder. Ang mgaelder ay nagsipagmisyon.

Larawan
Melchizedek Priesthood holders performing blessing

Ang lahat ng kalalakihan na may PagkasaserdotengMelquisedec ay maaaring magbasbas sa mga tao. Sila aymaaaring magbigay sa mga tao ng Espiritu Santo.

Larawan
Aaronic Priesthood bearers blessing sacrament

Ang isa pang pagkasaserdote ay ang PagkasaserdotengAaron. Ang mga saserdote, guro at diyakono ay mayPagkasaserdoteng Aaron. Ang mga saserdote ay maaaringmagbinyag sa mga tao. Sila ang nagbabasbas ng sakramento.Sila ang tumutulong sa mga elder.

Larawan
home teachers visiting member

Ang mga guro ay tumutulong sa paghahanda ng sakramento.Sila ay nagtuturo sa tahanan. Sila ay tumutulong sa mgamiyembro ng Simbahan na mamuhay nang mabuti.

Larawan
deacon passing sacrament

Ang mga diyakono ang nagpapasa ng sakramento. Sila angtumutulong sa obispo. Sila ang lumilikom ng mga handogayuno.

Larawan
Joseph instructing

Sinabi ni Jesus na ang lahat ng kalalakihan na maypagkasaserdote ay dapat matutuhan kung ano ang ibigipagawa sa kanila ng Diyos. Kinakailangan na sila aymagsumikap sa kanilang mga gawain. Pagkatapos sila aypagpapalain ng Ama sa Langit.