Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 25: Sina Joseph Smith at Sidney Rigdon ay Nagmisyon: (Disyembre 1831– Enero 1832)


Kabanata 25

Sina Joseph Smith at Sidney Rigdon ay Nagmisyon

(Disyembre 1831– Enero 1832)

Larawan
members pointing at newspaper

Hindi nagustuhan ng ilang tao ang Simbahan ni Jesucristo. Nagsabi sila ng mga kasinungalingan tungkol dito. Ang ilan sa mga kasinungalingan ay nalathala sa isang pahayagan. Sinabi ni Jesus kina Joseph Smith at Sidney Rigdon na magmisyon sa ibang mga bayan. Maaari nilang sabihin sa mga tao ang katotohanan tungkol sa Simbahan.

Larawan
Joseph and Sidney traveling during winter

Sumunod sina Joseph at Sidney kay Jesus. Iniwan nila ang kanilang mga tahanan. Pumunta sila sa maraming bayan. Sina Joseph at Sidney ay nagsalita sa mga pagpupulong sa simbahan. Tinuruan nila ang mga tao sa kanilang mga tahanan.

Larawan
Sidney Rigdon

Sinabi nina Joseph at Sidney sa mga tao ang tungkol sa mga kautusan ng Diyos. Sinabi nila sa mga tao ang tungkol sa kanilang mga patotoo kay Jesucristo. Sinabi nila sa mga tao na magsisi. Natapos na nina Joseph at Sidney ang kanilang gawaing misyonero. Umuwi na sila sa kanilang mga mag-anak.