Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 8: Ang Paghahanda para sa Simbahan ni Jesucristo: (Marso–Abril 1830)


Kabanata 8

Ang Paghahanda para sa Simbahan ni Jesucristo

(Marso–Abril 1830)

Larawan
Joseph receiving revelation

Malapit na ang panahon upang maibalik na muli sa lupa ang Simbahan ni Jesucristo. Binigyan ni Jesus si Joseph Smith ng isang paghahayag para sa mga tao. Ibig ni Jesus na makapaghanda ang mga tao para sa kanyang Simbahan. Sinabi niya sa kanila ang mga bagay na kinakailangan nilang malaman bago nila itatag ang kanyang Simbahan. Nagsabi pa siya sa kanila ng maraming bagay tungkol sa kanyang ebanghelyo.

Larawan
man reading the Book of Mormon

Sinabi ni Jesus na ang Aklat ni Mormon ang nagtuturo ng kanyang ebanghelyo. Sinabi niya na ang Aklat ni Mormon ay totoo. Ibig ni Jesus na maniwala ang mga tao sa Aklat ni Mormon. Ito ay tutulong sa kanilang sumunod sa Diyos.

Larawan
Jesus Christ

Nagkuwento si Jesus tungkol sa kanyang buhay. Ipinadala ng Diyos si Jesus upang tulungan ang mga tao sa lupa. Sinikap niSatanas na pagawin siya ng masasamang bagay. Subalit si Jesus ay hindi nakinig kay Satanas.

Larawan
Jesus suffering

Ikinalungkot ni Jesus ang masasamang bagay na ginawa ng mga tao. Siya ay nilabasan ng dugo sa bawat pikanamaliliit na butas ng kanyang balat at nagpakasakit para sa lahat ng tao. Ang mga tao ay hindi magdurusa kung sila ay magsisisi.

Larawan
Jesus hanging on cross

Si Jesus ay ipinako sa krus at pinatay ng masasamang tao.

Larawan
Jesus’ friends carrying his body

Inilibing si Jesus ng kanyang mga kaibigan.

Larawan
Jesus appearing to Apostles

Pagkatapos ng tatlong araw ay nabuhay na mag-uli si Jesus. Nabuhay siyang muli.

Larawan
resurrected Christ

Ginawa ni Jesus ang mga ito upang tulungan ang mga taong nagsisisi. Siya ay namatay upang tulungan ang mga taong may pananampalataya at magpabinyag. Hindi sila parurusahan. Sila ay maaaring pumunta sa langit. Ang mga taong hindi nagsisisi ay parurusahan.

Larawan
young boy praying

Sinabi ni Jesus ang tungkol sa pagbibinyag. Ang mga taong ibig magpabinyag ay kinakailangang magsisi. Kinakailangan nilang mahalin at sundin si Jesucristo. Kinakailangang sila ay walong taong gulang na o higit pa. Pagkatapos ay maaari na silang mabinyagan at maging miyembro ng Simbahan.

Larawan
man baptizing boy

Itinuro ni Jesus ang tamang paraan ng pagbibinyag. Sinabi niya na ang isang saserdote sa Pagkasaserdoteng Aaron o ang isang lalaking may Pagkasaserdoteng Melquisedec ay maaaring magbinyag ng isang tao. Inaakay sa tubig ng lalaking may pagkasaserdote ang taong bibinyagan. Nagsasambit siya ng isang natatanging panalangin.

Larawan
man baptizing boy

Inilulubog sa tubig ng lalaking may pagkasaserdote ang taong bibinyagan. Pagkatapos ay iaahon niya ito mula sa tubig.

Larawan
after baptism

Sinabi ni Jesus na nangangako ang mga tao sa kanya na susundin siya kapag sila ay nabinyagan na. Kinakailangan nilang magsabi at gumawa ng mabubuting bagay.

Larawan
men giving baby blessing

Sinabi ni Jesus ang tungkol sa pagbibigay ng pagbabasbas sa mga sanggol. Ang kalalakihang may Pagkasaserdoteng Melquisedec ay maaaring magbasbas sa mga sanggol. Hinahawakan ng mga kalalakihan ang sanggol sa kanilang mga bisig. Isa sa kanila ang magbibigay ng pangalan at pagbabasbas sa sanggol.

Larawan
boy taking sacrament

Sinabi ni Jesus ang tungkol sa sakramento. Sinabi niya na ang mga tao ay dapat laging tumanggap ng sakramento. Kung tayo ay makagagawa ng mga bagay na masama, hindi tayo dapat tumanggap ng sakramento. Dapat tayong magsisi. Pagkatapos ay maaari na tayong tumanggap ng sakramento.

Larawan
boy pondering Christ’s crucifixion

Tinatanggap natin ang sakramento upang maalala natin si Jesus. Ang tinapay ay tumutulong sa ating isipin ang katawan ni Jesucristo. Maaalala natin na siya ay namatay sa krus para sa atin.

Larawan
boy pondering Atonement

Ang tubig ay tumutulong sa ating isipin ang dugo ni Jesus. Maaalala natin na siya ay nilabasan ng dugo sa bawat butas ng kanyang balat at nagpakasakit para sa atin sa Halamanan ng Getsemani.

Larawan
boy praying

Nakikipagtipan tayo kapag tayo ay tumatanggap ng sakramento. Ang tipan ay isang pangako. Nangangako tayong sisikapin nating maging katulad niya. Nangangako tayo na lagi natin siyang aalalahanin. Nangangako tayong lagi nating susundin ang kanyang mga kautusan. Ang kanyang Espiritu ay mapapasaatin kung ating tutuparin ang ating mga tipan.