Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Mga Taong Dapat Makilala


Mga Taong Dapat Makilala

Abraham

Si Abraham ay isang propeta na nabuhay noong unang panahon. Ang kuwento ni Abraham ay nasa Lumang Tipan at Mahalagang Perlas.

Ama sa Langit

Ang Ama sa Langit ang siyang Ama ng ating mga katawang espiritu. Nananalangin tayo sa ating Ama sa Langit. Kung minsan tinatawag natin ang ating Ama sa Langit na Diyos.

Bennett, John C.

Si John C. Bennett ay naging isang punongbayan ng Nauvoo. Hindi niya nagustuhan si Joseph Smith.

Brother Allen

Si Brother Allen ay isang miyembro ng Simbahan sa Missouri na pinahiran ng alkitran at nilagyan ng mga balahibo sa katawan.

Copley, Leman

Isang miyembro ng Simbahan sa Kirtland, Ohio, na ayaw magbahagi ng kanyang lupain sa ibang miyembro.

Cowdery, Oliver

Si Oliver Cowdery ay tumulong kay Joseph Smith na maisalin ang mga laminang ginto. Marami siyang nagawa upang matulungan ang Simbahan ni Jesucristo.

Kapitan Allen

Si Kapitan Allen ay isang kapitan sa Hukbo ng Estados Unidos. Hiniling niya sa kalalakihan ng Simbahan na maging kabilang sila sa Batalyong Mormon.

Kimball, Heber C.

Si Heber C. Kimball ay naging Apostol.Siya ay pumunta sa isang misyon sa Inglatera.

Kimball, Spencer W.

Si Spencer W. Kimball ang ikalabindalawang pangulo ng Simbahan. Siya ay isang Apostol at isang propeta.

Kimball, Kapatid na Vilate

Si Kapatid na Kimball ay asawa ni Heber C. Kimball. Siya ay miyembro ng unang Samahang Damayan.

Knight, Newel

Si Newel Knight ay nagkasakit nang subukan ni Satanas na pigilin siyang manalangin. Pinagaling ni Joseph Smith si Newel Knight.

Diyos

Ang Ama sa Langit, si Jesucristo, at ang Espiritu Santo ay pare-parehong mga Diyos. Lahat Sila ay may dakilang kapangyarihan.

Elias

Si Elias ang nagbigay ng natatanging kapangyarihan ng pagkasaserdote kina Joseph Smith at Oliver Cowdery sa Templo sa Kirtland.

Elijah

Si Elijah ay naging propeta noong unang panahon. Siya ang nagbigay ng natatanging kapangyarihan ng pagkasaserdote kina Joseph Smith at Oliver Cowdery sa Templo sa Kirtland.

Enoc

Si Enoc ay naging isang propeta na nabuhay noong unang panahon. Itinayo niya ang Lungsod ng Sion. Ang kuwento ni Enoc ay nasa Mahalagang Perlas.

Espiritu Santo

Ang Espiritu Santo ay may katawang espiritu. Siya ang tumutulong sa Ama sa Langit at kay Jesus. Siya ay may kapangyarihang magbigay sa mga Banal ng mga natatanging kaloob. Ito ang tumutulong sa kanila na malaman kung ano ang tama.

Ginoong Chandler

Ipinagbili ni Ginoong Chandler ang ilang bilot ng mga lumang papel sa mga Banal sa Kirtland. Ang mga isinulat ni Abraham ay nasa mga bilot ng papel.

Ginoong Hale

Si Ginoong Hale ay ama ni Emma Smith.

Gobernador Boggs

Si Gobernador Boggs ay naging gobernador ng Missouri. Ayaw niyang tulungan ang mga Banal.

Harris, Martin

Si Martin Harris ang tumulong kay Joseph Smith na isalin ang mga laminang ginto. Naiwala niya ang ilang pahina ng Aklat ni Mormon.

Hyde, Orson

Si Orson Hyde ay naging isang Apostol. Inilaan niya ang lupain ng Palestina upang ang mga anak ni Abraham ay magkaroon ng pook na matitirahan.

Indiyan, mga

Ang mga Indiyan ay tumira sa lahat ng dako ng Estados Unidos. Kung minsan ang mga Indiyan ay tinatawag na mga Lamanita.

Israelita, mga

Ang mga Israelita ay mga taong nanirahan sa Palestina noong unang panahon.

Jesucristo

Si Jesucristo ay ating Tagapagligtas. Siya ay Anak ng Ama sa Langit. Kung minsan ay tinatawag natin si Jesus na Panginoon.

Juan

Si Juan ay isa sa Labindalawang Apostol ni Jesus. Ibinigay nina Pedro, Santiago at Juan ang Pagkasaserdoteng Melquisedec kay Joseph Smith at Oliver Cowdery.

Juan Bautista

Si Juan Bautista ay nabuhay nang si Jesus ay nabuhay sa lupa. Si Juan Bautista ang nagbigay ng Pagkasaserdoteng Aaron kay Joseph Smith at Oliver Cowdery.

Lamanita, mga

Ang mga Indiyan ay tinatawag na mga Lamanita sa Aklat ni Mormon.

Melquisedec

Si Melquisedec ay isang propeta na nabuhay noong unang panahon. Siya ay nagkaroon ng pagkasaserdote.

Moises

Si Moises ay isang propeta na nabuhay noong unang panahon. Pinamunuan niya ang mga Israelita palabas sa Egipto. Ibinigay niya ang natatanging kapangyarihan ng pagkasaserdote kay Joseph Smith at Oliver Cowdery sa Templo sa Kirtland.

Mormon, mga

Kung minsan ang mga miyembro ng Simbahan ay tinatawag na mga Mormon dahil sila ay naniniwala sa Aklat ni Mormon.

Moroni

Si Moroni ay isang propeta na nabuhay sa Amerika noong unang panahon. Ibinaon niya ang mga laminang ginto sa Burol Cumorah.

Noe

Si Noe ay isang propeta na nabuhay noong unang panahon. Si Noe ay nagkaroon ng pagkasaserdote.

Page, Hiram

Sinabi ni Hiram Page na mayroon siyang isang bato na nagbigay sa kanya ng mga paghahayag para sa Simbahan.

Panginoon

Kung minsan ay tinatawag natin si Jesucristo na Panginoon.

Partridge, Edward

Si Edward Partridge ang unang obispong Simbahan.

Pedro

Si Pedro ay isa sa Labindalawang Apostol ni Jesus. Sina Pedro, Santiago, at Juan ang nagbigay ng Pagkasaserdoteng Melquisedec kina Joseph Smith at Oliver Cowdery.

Phelps, William W.

Tumulong si William W. Phelps na simulan ang mga paaralan sa Jackson County, Missouri.

Pratt, Parley P.

Si Parley P. Pratt ay nagpunta sa isang misyon upang turuan ang mga Lamanita.

Richards, Willard

Si Willard Richards ay naging kaibigan ni Joseph Smith. Siya ay kasama ni Joseph sa Piitang Carthage.

Rigdon, Sidney

Si Sidney Rigdon ay isa sa mga naging tagapayo ni Joseph.

Santiago

Si Santiago ay isa sa Labindalawang Apostol ni Jesus. Sina Pedro, Santiago, at Juan ang nagbigay ng Pagkasaserdoteng Melquisedec kina Joseph Smith at Oliver Cowdery.

Satanas

Si Satanas ay ang diyablo. Ibig ni Satanas na pigilin ang gawain ng Ama sa Langit dito sa lupa. Ibig niyang wasakin ang Simbahan ni Jesucristo.

Smith, Alvin

Si Alvin Smith ay nakatatandang kapatid ni Joseph Smith. Namatay siya. Nakakita si Joseph ng isang pangitain tungkol kay Alvin sa kahariang selestiyal ng langit.

Smith, Emma

Si Emma Smith ang asawa ni Joseph Smith. Siya ang unang pinuno ng Samahang Damayan. Gumawa siya ng isang aklat ng mga awit para sa Simbahan.

Smith, Hyrum

Si Hyrum Smith ay nakatatandang kapatid ni Joseph Smith. Si Hyrum ay napatay sa Piitang Carthage kasama si Joseph.

Smith, Joseph

Si Joseph Smith ang unang propeta at pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ibinigay ni Jesus kay Joseph Smith ang mga paghahayag na nasa Doktrina at mga Tipan. Si Joseph ay napatay sa Piitang Carthage.

Smith, Joseph Sr.

Si Joseph Smith Sr. ang ama ni Joseph Smith.

Smith, Lucy

Si Lucy Smith ang ina ni Joseph Smith.

Smith, Samuel

Si Samuel Smith ang nakababatang kapatid ni Joseph Smith. Siya ang unang misyonero para sa Simbahan.

Snow, Eliza R.

Si Eliza R. Snow ay naging miyembro ng unang Samahang Damayan.

Tagabunsod

Ang mga tagabunsod ay mga Banal na tumawid sa mga kapatagan papunta sa Rocky Mountains.

Taylor, John

Si John Taylor ay naging kaibigan ni Joseph Smith. Kasama siya ni Joseph sa Piitang Carthage. Dinagtagal naging Pangulo siya ng Simbahan.

Whitmer, David

Si David Whitmer ay naging isang saksi na nakakita ng mga laminang ginto. Tumulong siyang simulan ang Simbahan noong ika-6 ng Abril 1830.

Whitmer, Peter

Tumulong si Peter Whitmer na simulan ang Simbahan noong ika-6 ng Abril 1830.

Whitney, Newel

Si Newel Whitney ang ikalawang obispo ng Simbahan.

Williams, Frederick G.

Si Frederick G. Williams ay isa sa naging mga tagapayo ni Joseph Smith.

Young, Brigham

Si Brigham Young ay isa sa mga naging Labindalawang Apostol. Siya ang pinuno ng mga tagabunsod. Siya ang sumunod na naging propeta ng Simbahan pagkatapos kay Joseph Smith.

Young, Phineas

Si Phineas Young ang kapatid ni Brigham Young.