Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 55: Higit na Kaguluhan para sa mga Banal: (1843–1844)


Kabanata 55

Higit na Kaguluhan para sa mga Banal

(1843–1844)

Larawan
people causing trouble

Karamihan sa mga tao na malapit sa Nauvoo ay hindi miyembro ng Simbahan. Marami sa kanila ang ayaw sa mga Banal. Ayaw nila na maging mga pinuno ang lungsod ang mga Banal. Sila ay gumawa ng kaguluhan para sa mga miyembro ng Simbahan.

Larawan
mob stealing the Saints’ animals

Ang mga taong iyon ay nagsama-sama bilang mga mandurumog. Ninakaw nila ang mga hayop ng mga Banal. Sinunog nila ang mga kamalig at bahay. Tinangka nilang mapaalis ang mga Banal sa Nauvoo. Ayaw pigilan ng mga pulis at kawal ang mga mandurumog. Ayaw tulungan ng gobernador ang mga Banal.

Larawan
Joseph envisioning the Saints traveling west

Sinabi ni Joseph Smith sa mga Banal sa Nauvoo na sila ay magkakaroon ng kaguluhan. Ang mga bagay na sinabi ni Joseph Smith ay nagkatotoo. Alam ni Joseph na ang mga Banal ay kakailanganing umalis ng Nauvoo. Sila ay dapat pumunta sa isang lugar kung saan walang makikialam sa kanila.

Larawan
Joseph meeting with the Apostles

Si Joseph Smith ay nakipagpulong sa mga Apostol at ilan sa iba pang kalalakihan. Sinabi niya sa kanila na maghanap ng isang lugar kung saan ang mga Banal ay maaaring manirahan.

Larawan
Joseph looking at map

Tiningnan ni Joseph Smith ang mga mapa ng lupa. Ang mga mapa ay nagpakita ng isang lugar kung saan may matataas na bundok at malalawak na lambak. Ang mga Indiyan ay nakatira doon. Alam ni Joseph na ito ay magiging magandang lugar para sa mga Banal. Sila ay hindi maaaring saktan ng mga mandurumog. Umasa si Joseph na ang mga Banal ay makapupunta doon upang manirahan.

Larawan
people laughing

Ang ibang tao sa Nauvoo ay naging mga miyembro ng Simbahan. Subalit hindi na sila naniwala pa sa ebanghelyo. Kinamuhian nila si Joseph Smith. Ibig nila na siya ay patayin. Sila ay nagsimula ng isang pahayagan. Nagsulat sila ng masasamang bagay tungkol kay Joseph at sa mga Banal.

Larawan
Saints destroying printing press

Ang mga pinuno ng Nauvoo ay nagalit tungkol sa pahayagan. Ang ilan sa kanila ay nagtungo sa gusali ng pahayagan. Sinunog nila ang mga pahayagan. Winasak nila ang palimbagan. Ang pahayagan ay hindi na maaaring mailimbag pa.