Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 19: Ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo: (Pebrero–Marso 1831)


Kabanata 19

Ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo

(Pebrero–Marso 1831)

Larawan
people yelling at the Saints

Ilan sa mga tao sa Kirtland, Ohio ay nagsabi ng mga kasinungalingan tungkol sa mga Banal. Ayaw matutuhan ng mga taong ito ang ebanghelyo.

Doktrina at mga Tipan 45: Paunang Salita

Larawan
Joseph sharing Book of Mormon

Sinabi ni Jesus kay Joseph Smith na siya ay malapit nang pumaritong muli sa mundo. Bago siya pumarito, kailangang marinig ng lahat ng tao sa mundo ang ebanghelyo. Ang mga Banal ay dapat maging masikap sa pagtuturo ng ebanghelyo. Dapat silang maging magaling na mga misyonero.

Doktrina at mga Tipan 43: Paunang Salita, 20, 45

Larawan
Jesus teaching his Apostles

Nang mabuhay si Jesus sa mundo, sinabi niya sa kanyang mga Apostol kung ano ang mangyayari bago siya pumaritong muli.

Larawan
signs of the last days

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga Apostol na ang templo sa Jerusalem ay mawawasak. Ang mga Judio ay maninirahan sa ibang lupain. Maraming Judio ang mamamatay. Magkakaroon ng maraming digmaan. Ang mga tao ay hindi na magmamahalan. Ang totoong Simbahan ay mawawala na sa lupa.

Larawan
Joseph’s first vision

Pagkatapos ay itatatag muli ng Ama sa Langit ang totoong Simbahan sa mundo. Ang ebanghelyo ni Jesucristo ay magiging katulad ng isang ilaw sa kadiliman.

Larawan
soldiers fighting in war

Maraming bagay na sinabi si Jesus ang nangyari na. Sinabi niya ang iba pang bagay na mangyayari pa. Maraming tao ang makikipag-away sa isa’t isa. Maraming tao ang magkakasakit. Magkakaroon ng mga lindol. Ang araw ay magdidilim. Ang buwan ay magiging parang dugo. Ang mga bituin ay mahuhulog.

Larawan
Jews returning to Jerusalem

Kapag nangyari ang mga bagay na ito, malalaman ng mabubuting tao na si Jesus ay malapit nang dumating. Nanaisin nilang dumating siya. Maraming Judio ang babalik sa Jerusalem. Maririnig nila ang ebanghelyo.

Larawan
Saints building New Zion

Itatayo ng mabubuting Banal ang bagong lungsod ng Sion. Sila ay magiging ligtas sa Sion. Hindi sila mag-aaway-away. Sila ay magiging napakasaya. Aawit sila ng mga awit ng kaligayahan. Ang masasamang tao ay hindi makapupunta sa Sion.

Larawan
Jesus appearing in cloud

Si Jesus ay muling paparito sa mundo. Makikita siya ng mabubuting tao. Siya ay paparito sa isang maliwanag na ulap. Ang lahat ng namatay na mabubuting tao ay mabubuhay na mag-uli. Sasalubungin nila si Jesus sa ulap. Sasama sila sa Kanya pabalik sa mundo.

Larawan
Jesus coming to Jerusalem

Si Jesus ay pupunta sa Jerusalem. Siya ay tatayo sa isang bundok doon. Ang bundok ay mahahati. Ang mundo ay mayayanig. Ang kalangitan ay mayayanig. Ang masasamang tao ay mamamatay.

Larawan
Jews crying at Jesus’ wounds

Makikita ng mga tao sa Jerusalem si Jesus. Magtatanong sila, “Ano itong mga sugat sa iyong mga kamay at paa?” Sasabihin niya, “Ako si Jesucristo, ang ipinako sa krus. Ako ang Anak ng Diyos.” Pagkatapos ang mga tao ay iiyak. Malulungkot sila dahil ipinako si Jesus sa krus.

Larawan
Jesus living with the Saints

Ang mabubuting tao ay magiging napakaligaya na makita si Jesus. Ang buong mundo ay mapapasakanila. Hindi nila pahihintulutan si Satanas na tuksuhin sila. Sila ay magiging matatag. Magkakaroon sila ng maraming anak. Ang kanilang mga anak ay lalaki at susunod sa Diyos. Si Jesus ay maninirahan kasama ng mabubuting tao sa loobng isang libong taon. Siya ang kanilang magiging hari.

Larawan
missionaries teaching family

Sinabi ni Jesus kay Joseph Smith na magpadala ng mga misyonero upang turuan ang lahat tungkol sa Kanyang pagparito. Sinabi niya na ang mga Banal ay dapat na maghanda. Dapat silang manalangin at mag-ayuno. Dapat nilang turuan ang isa’t isa ng mga kautusan.

Larawan
family kneeling in prayer

Sinabi ni Jesus na dapat sikapin ng mga Banal na maging malapit sa kanya. Pagkatapos siya ay magiging malapit sa kanila. Kung ang mga Banal ay hihingi ng tulong sa Diyos, sila ay tutulungan niya.

Larawan
family sharing food

Dapat gawin ng mga Banal ang lahat ng kanilang magagawa upang matulungan si Jesus. Kapag ang mga tao ay tumutulong kay Jesus, sila ay magiging katulad niya. Pagkatapos sila ay magiging handa para sa kanyang pangalawang pagparito.