Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 4: Si Martin Harris at ang mga Nawawalang Pahina: (1824–1828)


Kabanata 4

Si Martin Harris at ang mga Nawawalang Pahina

(1824–1828)

Larawan
Joseph walking

Mahirap ang mag-anak ni Joseph. Kinailangan nila ng pera. Ibig ni Joseph na matulungan ang kanyang mag-anak. Pumunta siya sa estado ng Pennsylvania upang maghanapbuhay. Tumira siya sa bahay ng isang taong nagngangalang Ginoong Hale.

Larawan
Joseph marrying Emma

Si Ginoong Hale ay may anak na babaeng nagngangalang Emma. Nakilala ni Joseph si Emma. Nagkaibigan sila at nagpakasal. Nanirahan sila sa mag-anak ni Joseph. Tinulungan ni Joseph ang kanyang ama sa mga Gawain sa bukid.

Larawan
people on street

Alam ng maraming tao na kay Joseph ang mga laminang ginto. Tinangka nilang nakawin ang mga ito. Ang mga tao ay gumawa ng gulo para kay Joseph. Nagsabi sila ng mga kasinungalingan tungkol kay Joseph at sa kanyang mag-anak.

Naging matindi ang kaguluhan kaya nagpasiya sina Joseph at Emma na lumipat. Ibig nilang pumunta sa Pennsylvania. Titira sila malapit sa tirahan ng mag-anak ni Emma. Subalit sina Joseph at Emma ay walang sapat na pera upang makaalis.

Larawan
Joseph and Emma meeting Martin Harris

Isang lalaking nagngangalang Martin Harris ang nakatira malapit kina Joseph Smith. Si Martin Harris ay may malawak na sakahan. Marami siyang pera. Si Martin Harris ay mabait kina Joseph at Emma. Binigyan niya sila ng pera upang sila ay makalipat. Sina Joseph at Emma ay nagtungo sa Pennsylvania.

Larawan
Joseph translating

Sinimulang isalin ni Joseph ang mga nakasulat sa mga laminang ginto. Hindi alam ni Joseph kung ano ang ibig sabihin ng mga nakasulat. Tinulungan siya ng Diyos. Ginamit ni Joseph ang Urim at Thummim upang maunawaan ang mga salita. Mababasa natin kung ano ang kanyang isinalin. Ito ay tinatawag na Aklat ni Mormon.

Larawan
Martin Harris transcribing

Nagtungo si Martin Harris sa Pennsylvania. Tinulungan niya si Joseph na magsalin. Binasa ni Joseph ang mga salita mula sa mga laminang ginto. Isinulat naman ni Martin ang mga ito sa papel. Isinalin nina Joseph at Martin ang 116 na pahina ng Aklat ni Mormon.

Larawan
Martin Harris asking for manuscript

Ninais ni Martin Harris na iuwi ang 116 na pahina ng aklat. Ibig niyang makita ito ng kanyang mag-anak. Tinanong ni Joseph ang Panginoon kung maaaring dalhin ni Martin ang mga pahina ng aklat sa kanyang tahanan. Sinabi ng Panginoon na hindi maaari. Nagtanong muli si Joseph. Sinabing muli ng Panginoon na hindi maaari.

Larawan
Joseph and Martin Harris

Ibig pa rin ni Martin na dalhin ang mga pahina sa kanyang tahanan. Nagtanong muli si Joseph. Sa pagkakataong ito, sinabi ng Panginoon na maaaring iuwi ni Martin ang mga pahina ng aklat. Sinabi ng Panginoon na maaaring ipakita ni Martin ang mga pahina ng aklat sa kanyang mag-anak. Subalit hindi niya maaaring ipakita ito sa ibang tao.

Larawan
Martin Harris with pages

Nangako si Martin na susundin niya ang Panginoon. Dinala niya ang mga pahina ng aklat sa tahanan nila. Ipinakita niya ang mga ito sa kanyang mag-anak. Subalit hindi niya tinupad ang kanyang pangako. Ipinakita niya ang mga ito sa ibangtao. Pagkatapos ay itinago na niya ang mga pahina.

Larawan
Martin Harris

Pagkaraan, umalis si Martin upang kunin ang mga pahina ng aklat. Hinanap niya ito kahit saan. Hindi niya makita ang mga ito. Ang mga pahina ay nawala.

Larawan
Joseph pondering

Alalang-alala si Joseph tungkol sa mga nawawalang pahina. Hindi siya makatulog.

Larawan
Joseph receiving inspiration

Nakipag-usap si Jesus kay Joseph. Sinabi niya na nakagawa si Martin Harris ng masamang bagay. Nangako si Martin na susundin ang Panginoon. Subalit hindi niya tinupad ang kanyang pangako. Ngayon ang mga pahina ng Aklat ni Mormon ay nawala. Hindi na maaaring tumulong muli si Martin Harris sa pagsasalin.

Larawan
evil men conspiring

Sinabi ni Jesus na ibig ni Satanas na mawala ang 116 na pahina ng aklat. Nasa masasamang tao ang mga pahina. Ibig pigilin ni Satanas at ng masasamang tao ang gawain ng Diyos. Ayaw nilang paniwalaan ng mga tao ang Aklat ni Mormon. Sinabi ni Jesus na hindi mapipigil ni Satanas ang gawain ng Diyos. Hindi mapipigil ngmasasamang tao ang gawain ng Diyos.

Larawan
Joseph envisioning people reading the book

Sinabi ni Jesus kay Joseph na huwag mag-alala tungkol sa mga kuwentong nasa mga nawawalang pahina. Ang mga kuwento na nakasulat doon ay nasa ibang bahagi ng mga laminang ginto. Sinabi ni Jesus na dapat isalin ni Joseph ang iba pang bahagi ng mga lamina. Pagkatapos ay maaari nang mabasa ng mabubuting tao ang Aklat niMormon. Sila ay maniniwala na ang aklat ay totoo. Matututuhan nila ang ebanghelyo.