Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 57: Isang Bagong Pinuno para sa Simbahan: (Hulyo–Agosto 1844)


Kabanata 57

Isang Bagong Pinuno para sa Simbahan

(Hulyo–Agosto 1844)

Larawan
Saints speaking together

Patay na ang Propetang Joseph Smith. Ang Simbahan ay walang Pangulo. Hindi alam ng mga Banal kung sino ang dapat na maging pinuno nila.

Larawan
Apostles serving missions

Karamihan sa mga Apostol ay nasa malayo at nagmimisyon.

Larawan
Sidney Rigdon leaving Nauvoo

Si Sidney Rigdon ay naging tagapayo ni Joseph Smith. Subalit hindi niya sinunod ang Panginoon. Siya ay umalis sa Nauvoo.

Larawan
Sidney Rigdon returning to Nauvoo

Nabalitaan ni Sidney Rigdon na patay na ang propeta. Bumalik siya sa Nauvoo. Nais niya na maging pinuno ng Simbahan.

Larawan
Apostle returning from mission

Si Brigham Young at ang ibang Apostol ay nagbalik mula sa kanilang misyon. Si Brigham Young ang pinuno ng mga Apostol. Sinabi niya na ang mga Apostol ang dapat na mamuno ng Simbahan hanggang makapili ng bagong Pangulo.

Larawan
Sidney Rigdon speaking loudly

Ang mga miyembro ng Simbahan ay nagkaroon ng isang pagpupulong. Si Sidney Rigdon ay nagsalita sa kanila. Sinabi niya na siya ang dapat na maging pinuno ng Simbahan.

Larawan
Brigham Young appearing as Joseph

Pagkatapos ay nagsalita si Brigham Young. Sinabi niya na ang mga Apostol ang dapat na mamuno ng Simbahan. Ang Espiritu Santo ay nasa kanya. Ang tinig ni Brigham Young ay nakatulad ng tinig ni Joseph Smith. Sa loob ng ilang minuto ay nakamukha niya si Joseph Smith. Nalaman ng mga tao na pinili ng Diyos ang mga Apostol na mamuno ng Simbahan. Si Sidney Rigdon ay nagalit. Siya ay umuwi sa kanyang tahanan. Nagtatag siya ng kanyang sariling simbahan. Hindi na siya miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.