Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 54: Isang Paghahayag Tungkol sa Kasal: (Hulyo 1843)


Kabanata 54

Isang Paghahayag Tungkol sa Kasal

(Hulyo 1843)

Larawan
married couple in front of temple

Si Joseph Smith ay nagtanong sa Panginoon tungkol sa kasal. Sinabi ni Jesus na ang lalaki at babae ay dapat ikasal ng isang tao na mayroong pagkasaserdote. Sila ay dapat ikasal sa templo. Sila ay dapat sumunod sa mga kautusan ng Diyos. Pagkatapos sila ay ikakasal nang walang hanggan.

Larawan
family in celestial kingdom

Ang mabubuting tao na nakasal nang walang hanggan ay maninirahan sa kahariang selestiyal ng langit. Ang kanilang mga anak na sumunod sa Diyos ay mapapasakanila. Sila ay magiging mag-anak. Sila ay maninirahan na kasama ang Diyos. Sila ay magiging katulad niya.

Larawan
Joseph envisioning ancient prophets

Sinabi ni Jesus na kung minsan sinasabi ng Diyos sa kanyang mga propeta na ang mga kalalakihan ay dapat magkaroon ng higit pa sa isang asawa. Subalit dapat lamang itong gawin ng mga kalalakihan kung sila ay inuutusan ng Diyos.