Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 50: Ang Mga Unang Endowment: (Mayo 1842)


Kabanata 50

Ang Mga Unang Endowment

(Mayo 1842)

Larawan
Nauvoo Temple

Nangako si Jesus kay Joseph na bibigyan Niya ng natatangingpagbabasbas ang mga tao. Ang pagbabasbas na ito ay tinatawag na endowment. Ang endowment ay ibinibigay sa templo. Tanging ang kalalakihan at kababaihan lamang na sumusunod sa mga kautusan ng Diyos ang maaaring magkaroon ng endowment.

Larawan
Joseph teaching about the temple

Di-nagtagal, pinulong ni Joseph ang ilan sa mga kalalakihan at ang kanilang asawa. Tinuruan sila ni Joseph ng mga bagay na gagawin nila sa templo. Pagkatapos lahat sila ay pinagkalooban ng endowment.

Larawan
modern-day temple

Ngayon ang mga tao na sumusunod sa mga kautusan ng Diyos ay maaari nang magpunta sa templo. Sila ay maaaring magkaroon ng natatanging pagpapala ng endowment. Natututuhan nila ang mga bagay na kailangan nilang malaman upang makabalik sa langit. Sila ay nakikipagtipan sa Diyos. Ang Diyos ay nakikipagtipan sa kanila.