Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 64: Ang Simbahan ni Jesucristo Ngayon


Kabanata 64

Ang Simbahan ni Jesucristo Ngayon

Larawan
Joseph Smith and brethren

Maraming taon na ang nakalilipas buhat ng simulan ang Simbahan sa Fayette, New York. Sa mga taong iyon naging mas malaki ang paglago ng Simbahan. Noong 1830, anim na katao ang nagsimula ng Simbahan, habang ang iba ay nakamasid.

Larawan
missionaries greeting various cultures

Ang mga misyonero ay nagpunta sa maraming lupain upang magturo ng ebanghelyo. Ang mga tao ay nakinig sa mga misyonero. Sila ay naniwala sa ebanghelyo at sumapi sa Simbahan. Ngayon milyun-milyong miyembro ng Simbahan ang naninirahan sa buong mundo. Sila ay nagsasalita ng maraming wika. Sila ay maligaya na maging mgamiyembro ng Simbahan.

Larawan
modern prophets speaking at conference

Noong ika-6 ng Abril 1980, ang Simbahan ay nagkaroon ng kaarawan. Ito ay isandaan at limampung taong gulang na. Ang Simbahan ay nagkaroon ng isang natatanging komperensiya sa kanyang kaarawan. Nagkaroon ng dalawang magkasabay napagpupulong. Ang isang pulong ay sa Fayette, New York. Ang propetang si Spencer W. Kimball ay naroon sa bahay na sadyang ginawang katulad ng tahanan ni Peter Whitmer.

Larawan
family gardening together

At ang isa pang pulong ay sa tabernakulo ng Lungsod ng Salt Lake. May libu-libong tao sa pagpupulong. Si Pangulong Kimball ay nagsalita sa mga Banal sa telebisyon. Inilaan niya ang bahay ni Peter Whitmer. Ang lahat ng miyembro ng Simbahan ay napakasaya na makita at marinig ang propeta. Ang mga miyembro ng Simbahan ay lubos napinagpala. Dapat tayong magpasalamat na tayo ay mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Tayo ay mayroong propeta na namumuno sa atin.