Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 45: Ang Mga Mandurumog sa Missouri: (1833)


Kabanata 45

Ang Mga Mandurumog sa Missouri

(1833)

Larawan
Joseph with building plans

Ang ilan sa mga Banal ay nanirahan sa Far West, Missouri. Si Joseph Smith ay nanirahan doon. Ang mga tao ay masaya. Sila ay nagtayo ng mahuhusay na tahanan at paaralan.

Larawan
mobs gathering

Subalit ang mga Banal ay hindi nagkaroon ng katahimikan nang matagal. Ang masasamang tao ay lumikha ng gulo parasa kanila. Sila ay nagsabi ng mga kasinungalingan tungkol sa mga Banal. Sila ay nagsabi ng masasamang bagay tungkol samga pinuno ng Simbahan.

Larawan
mob planning to hurt the Saints

Nagtipon ang mga mandurumog upang magplano ng mga pamamaraan upang saktan ang mga Banal.

Larawan
mob capturing the Saints

Ang mga mandurumog ay gumawa ng maraming masasamang bagay. Tinugis nila ang mga Banal ng palabaskanilang mga bahay.

Larawan
mob destroying homes

Sinunog nila ang kanilang mga tahanan at winasak ang kanilang mga sakahan.

Larawan
mob beating man

Binugbog nila ang kalalakihan at ikinulong ang iba sa piitan. Sinaktan ng mga mandurumog ang kababaihan at pinatayang ilan sa kanila.

Larawan
man hurting woman

Si Ginoong Boggs ang Gobernador ng Missouri. Ang mga mandurumog ay nagsabi ng mga kasinungalingan sa kanyatungkol sa mga Banal.

Larawan
the Saints asking Governor Boggs for help

Sinabihan ni Gobernador Boggs ang ilan sa mga kawal na patayin ang mga Banal kung sila ay hindi aalis ng Missouri.

Larawan
Governor Boggs speaking to his men

Nagalak ang mga mandurumog. Marami silang ginawang iba’t ibang masasamang bagay. Hindi sila pinigilan nggobernador.

Larawan
mob attacking the Saints

Ang ilan sa mga Banal ay nanirahan sa isang bayan na pinangalanang Haun’s Mill. Isang araw ang ilan sa kanila aygumagawa sa bukid. Ang iba naman ay gumagawa sa kanilang mga tahanan. Dumating ang mga mandurumog atsila ay sinalakay.

Larawan
mob shooting into log cabin

Ang ilan sa mga Banal ay tumakbo sa isang gusali na yari sa troso. Bumaril ang mga mandurumog sa mga siwangng dingding.

Larawan
Saints dodging bullets

Pinatay ng mga mandurumog ang mga Banal na nagsisipagtago. Ang ilan sa mga bata ay nabaril at napatay.

Larawan
mob robbing the Saints

Pagkatapos ninakawan ng mga mandurumog ang mga tahanan at mga bagon ng mga Banal. Pinatay nila ang maraming kalalakihan. Ang kababaihan at mga bata ay naiwang walang kasama.

Larawan
soldiers wanting to kill Joseph

Di-nagtagal, nahuli ng ilang kawal si Joseph Smith at ang iba pang mga pinuno ng Simbahan. Pinagsabihan ang mga kawal na barilin si Joseph at ang kanyang mga kaibigan.

Larawan
soldier refusing to kill Joseph

Subalit ayaw sumunod ang pinuno ng mga kawal. Ayaw niyang barilin si Joseph at ang iba pa. Sinabi niya na ito aymagiging pagpatay.

Larawan
Joseph and his friends in chains

Si Joseph at ang kanyang mga kaibigan ay ikinulong sa piitan ng mga kawal. Sila ay kinadenahan ng mga bantay. Malamig sa piitan. Si Joseph at ang kanyang mga kaibigan ay kinailangang matulog sa malamig na sahig.

Larawan
guards laughing

Ang mga bantay ay masasamang tao. Sila ay nagmumura at nagkukuwento ng masasamang kuwento. Ikinuwento nilakung paano nila ninakawan at pinatay ang mga Banal. Ikinuwento nila kung paano nila sinaktan ang kababaihan at ang mga bata. Sila ay nagtawanan at nagpayabangan nang buong magdamag.

Larawan
Joseph rebuking wicked guards

Kinasuklaman ni Joseph ang kanilang mga sinasabi. Hindi niya ibig na marinig ang iba pa. Siya ay tumindig at inutusan silang tumigil sa pangalan ni Jesucristo. Sinabi niya, “Magsitigil kayo! Kung hindi kayo o ako ang mamamatay sa mga sandaling ito.” Natakot ang mga bantay. Humingi sila ng paumanhin kay Joseph. Naupo sila sa isang sulok at tumahimik.

Larawan
Brigham Young leading Church

Si Brigham Young ay isa sa mga Apostol. Hiniling niya sa mga Banal na magsidalo sa isang pagpupulong habang si Joseph ay nasa bilangguan. Sinabi ni Brigham Young sa kanila na kinakailangan nilang lisanin ang Missouri. Marami sa mga Banal ang mahirap. Wala silang mga bagon at mga kabayo. Nagsabi ang kalalakihan sa pagpupulong na tutulungan nila ang mga Banal na mahihirap na maglipat.

Larawan
Saints leaving Missouri

Umalis ang mga Banal ng Missouri. Noon ay panahon ng tagyelo at labis ang lamig. Nagtangka ang mga mandurumog na saktan sila. Ninakaw ng mga mandurumog ang mga kabayo at mga baka ng mga Banal.

Nagpunta ang mga Banal sa Quincy, Illinois. Ang mga tao sa Quincy ay mabait sa kanila.

Larawan
Governor Boggs happy

Nagalak si Gobernador Boggs at ang kanyang mga kaibigan na ang mga Banal ay wala na. Ang natira na lamang sa mga Banal ay ang mga nasa piitan.