Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 26: Ang Tatlong Kaharian sa Langit: (ika-16 ng Pebrero 1832)


Kabanata 26

Ang Tatlong Kaharian sa Langit

(ika-16 ng Pebrero 1832)

Larawan
Joseph and Sidney

Isang araw ay nagbabasa sina Joseph Smith at Sidney Rigdon ng Bagong Tipan. Sinasabi sa Bagong Tipan na ang mabubuting tao ay mapupunta sa langit matapos silang mabuhay na maguli. Nag-isip si Joseph kung ang lahat ng tao ay mapupunta sa iisang lugar sa langit. Nanalangin sina Joseph at Sidney. Hiniling nila sa Ama sa Langit na sabihin sa kanila ang tungkol sa Langit.

Doktrina at mga Tipan 76: Paunang Salita

Larawan
Heavenly Father and Jesus

Sinagot ng Ama sa Langit ang kanilang panalangin. Nagkaroon sila ng isang paghahayag. Isa itong magandang pangitain. Sa pangitaing ito nakita nina Joseph at Sidney ang langit. Nakita nila si Jesus na napaliligiran ng liwanag. Pagkatapos ay nakakita sila ng mga anghel na nakapaligid kay Jesus at sa Ama sa Langit.

Larawan
Joseph and Sidney

Sinabi ni Joseph at Sidney na alam nila na si Jesus ay buhay. Siya ay kanilang nakita! Sina Joseph at Sidney ay nakarinig ng isang tinig. Sinabi ng tinig na si Jesus ay ang Anak ng Diyos. Pumarito siya sa mundo. Ipinakita ni Jesus sa lahat ng tao kung paano mamuhay upang makapiling nilang muli ang Ama sa Langit.

Larawan
Heavenly Father and Jesus

Pagkatapos ay nakita nina Joseph at Sidney kung saan mapupunta ang mga tao matapos silang mabuhay na mag-uli. May tatlong lugar na maaaring pagpuntahan ng mga tao sa langit. Ang mabubuting Banal ay makapupunta sa kahariang selestiyal sa langit matapos silang mabuhay na mag-uli. Ang kahariang selestiyal ang lugar kung saan ang Ama sa Langit at si Jesus ay nakatira.

Larawan
man baptizing woman

Ang mabubuting Banal ay may pananampalataya kay Jesus nang sila ay nabubuhay pa sa mundo. Sila ay nabinyagan. Itinuro ng Espiritu Santo sa kanila kung paano mamuhay.

Larawan
threatening mob

Ang mabubuting Banal ay nagkaroon ng maraming kaguluhan, subalit sila ay may pananampalataya. Tinulungansila ni Jesus noong sila ay may mga kaguluhan. Sila ay nagsumikap sa paggawa. Sila ay nagsisi at sumunod sa lahat ng kautusan ng Diyos. Tinukso sila ni Satanas, subalit hindi sila sumunod kay Satanas..

Larawan
faithful Saints with Jesus and Heavenly Father

Ang mabubuting Banal ay magiging katulad ng Ama sa Langit at ni Jesus. Malalaman nila ang lahat. Sila ay magiging ganap. Sila ay magiging mga diyos.

Larawan
people in terrestrial kingdom

Pagkatapos ay nakita nina Joseph at Sidney ang isa pang lugar. Ito ay tinawag na kahariang terestiyal ng langit. Ang ilang tao ay mapupunta sa kahariang terestiyal matapos silang mabuhay na mag-uli.

Larawan
people on wagon

Ang mga tao sa kahariang terestiyal ay mabubuting tao dito sa mundo. Subalit hindi sila mabubuting Banal. Hindi sila nagkaroon ng pananampalataya kay Jesus. Sinunod nila ang ilan sa mga kautusan ng Diyos. Subalit hindi nila sinunod ang lahat ng kautusan.

Larawan
people rejecting missionaries

Hindi sila naniwala sa ebanghelyo nang ito ay kanilang narinig sa mundo. Nang sila ay mamatay saka pa lamang sila naniwala sa ebanghelyo.

Larawan
man and wife reaching out to Jesus

Makikita ng mga tao sa kahariang terestiyal si Jesus. Subalit hindi sila maaaring manirahan na kasama ang Ama sa Langit o si Jesus. Hindi sila magiging mga diyos.

Larawan
people in telestial kingdom

Nakita nina Joseph at Sidney ang pangatlong lugar. Ito ay tinatawag na kahariang telestiyal ng langit. Ang mga taong mapupunta sa kahariang telestiyal ay hindi mabubuting tao dito sa mundo.

Larawan
mob surrounding Joseph

Ang mga taong ito ay hindi naniniwala kay Jesus. Hindi sila naniwala sa mga propeta. Hindi sila bininyagan. Hindi sila sumunod sa mga kautusan ng Diyos.

Larawan
angels visiting telestial kingdom

Hindi maaaring makita ng mga taong pupunta sa kahariang telestiyal si Jesus o ang Ama sa Langit. Ang mga anghel ang dadalaw sa kanila. Ang Espiritu Santo ang magtuturo sa kanila. Makikilala ng mga tao sa kahariang telestiyal si Jesus at ang Ama sa Langit. Subalit hindi sila maaaring manirahan sa piling nila kailanman.

Larawan
Jesus coming to the earth

Ang mga taong mapupunta sa kahariang selestiyal at kahariang terestiyal ay mabubuhay na mag-uli sa muling pagbabalik ni Jesucristo. Ang mga taong mapupunta sa kahariang telestiyal ay hindi mabubuhay na mag-uli sa pagbabalik ni Jesus. Kailangan muna nilang maghintay ng isang libong taon upang mabuhay na mag-uli.

Larawan
people suffering

Nakita nina Joseph at Sidney kung saan mapupunta ang masasamang tao. Makakasama nila si Satanas. Hindi nila maaaring makasama ang Ama sa Langit, si Jesus, o ang Espiritu Santo.

Larawan
members denying Holy Ghost

Ang mga taong makakasama ni Satanas ay natuto ng ebanghelyo dito sa mundo. Tinuruan sila ng Espiritu Santo ngtungkol kay Jesucristo.

Larawan
man hitting another man with club

Nalaman nila na si Jesus ay nabuhay. Nalaman nila na si Jesus ay namatay para sa atin. Subalit tinukso ni Satanas ang mga taong ito. Sinikap niyang pagawin sila ng masasamang bagay. Sinunod nila si Satanas. Huminto na sila sa pakikinig sa Espiritu Santo. Hindi na sila naniniwala kay Jesus. Sila ay naging napakasama. Mabubuhay silang kasama si Satanas nang walang hanggan.

Larawan
Joseph and Sidney thanking God

Nakita nina Joseph at Sidney ang iba pang bagay sa kanilang pangitain. Sinabi ni Jesus sa kanila na huwag isulat ang lahat ng kanilang nakita. Maaaring makita ng mabubuting Banal para sa kanilang sarili ang mga bagay na ito. Tuturuan sila ng Espiritu Santo. Pinasalamatan ni Joseph at Sidney ang Diyos para sa magandang pangitain na ito.