Kasaysayan ng Simbahan
Pangkalahatang Pagsang-ayon


“Pangkalahatang Pagsang-ayon,” Mga Paksa sa Kasaysayan ng Simbahan

“Pangkalahatang Pagsang-ayon”

Pangkalahatang Pagsang-ayon

Matapos ang panunumbalik ng awtoridad ng priesthood, ipinag-utos ng Panginoon kay Joseph Smith at Oliver Cowdery na huwag i-orden ang isa’t isa bilang mga elder at lider ng Simbahan hanggang sa ang iba pang mga nananalig ay “napagdesisyunan sa pamamagitan ng pagboto kung sila ay handang tanggapin” ang pamumuno nina Joseph at Oliver. Isa sa mga unang ginawa ni Joseph sa pulong ng pagtatatag ng Simbahan noong Abril 6, 1830, ay magmungkahi ng gayong boto. Hiniling niya sa mga nagtipon na ipakita kung sinasang-ayunan nila siya at si Oliver bilang mga guro at kung dapat ba nilang itatag ang Simbahan ayon sa paghahayag. Buong pagkakaisang bumoto ang mga miyembro na sila ay sang-ayon.1 Isang paghahayag noong Hulyo 1830 ang nag-ulit na “lahat ng bagay ay nararapat na gawin sa pamamagitan ng pangkalahatang pagsang-ayon sa simbahan, sa pamamagitan ng labis na panalangin at pananampalataya.”2

Larawan
mga lalaking nagtataas ng kanang kamay

Ang mga naunang miyembro ng Simbahan ay nagsasagawa ng mga gawain sa pamamagitan ng pangkalahatang pagsang-ayon, na nagsasang-ayon sa mga lider at mga desisyon sa pamamagitan ng pagboto.

Ginamit ng mga unang lider ng Simbahan ang ilang pamamaraan na ginagamit sa iba pang mga organisasyon—tulad ng pagtataas ng mga kamay upang bumoto—sa kanilang mga pagsisikap na isakatuparan ang utos ng Panginoon na ang mga tungkulin ay gagawin sa pamamagitan ng pangkalahatang pagsang-ayon. Ang mga pormalidad tulad ng pagtawag ng kaayusan sa mga pulong, pagsasang-ayon ng mga pinuno at mga desisyon sa pamamagitan ng pagboto, pagtatala sa mga katitikan, at pagbabalita sa mga nasa listahan ng layon ay naging karaniwan sa maraming iba’t ibang organisasyon sa nakaraang siglo.3 Ang mga simbahan, mga institusyon ng pamahalaan, at mga pribadong samahan ay kapwa gumagamit ng mga gayon ding pamamaraan, ginagamit ang British House of Commons bilang kanilang huwaran.4 Pagdating ng dekada ng 1820, karamihan sa mga Amerikano, kabilang na sina Joseph Smith at Oliver Cowdery, ay tinatanggap ang mga “parliamentary procedures” na ito bilang karaniwang paraan kung paano isinasagawa ang mga pulong.5 Nakatulong ang mga huwarang ito sa pagtatakda ng mga pulong sa Simbahan, kabilang na ang pulong ng pagtatatag nito, bilang lehitimo o opisyal sa halip na di-pormal na pagtitipon.6

Ang pangangasiwa sa gawain ng Simbahan sa pamamagitan ng pangkalahatang pagsang-ayon kung minsan ay nagbubunga ng mga salungat na boto. Isang paghahayag noong 1841 ay kinilala pa ang posibilidad na hindi tinatanggap ng mga Banal ang mga pagtawag na ibinigay sa pamamagitan ng paghahayag. “At isang kautusan ang aking ibinibigay sa inyo,” paghahayag ng Panginoon, “na inyong dapat punuin ang lahat ng katungkulan at pahintulutan ang yaong mga pangalan na aking binanggit, kung hindi ay tanggihang pagtibayin sila sa aking pangkalahatang pagpupulong.”7 Ilang miyembro sa isang kumperensya noong 1841 ang tumutol sa pagpapanatili ng mga pangulo ng elders quorum, isang bishop, isang miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol, at isang tagapayo sa panguluhan ng high priests quorum sa Nauvoo. Ang mga apektadong korum ay kalaunang nagtipon sa isang kapulungan upang muling isaalang-alang ang mga pagtawag na ito.8 Sa isang kumperensya noong 1843, inusisa ni Joseph Smith ang kaangkupan ni Sidney Rigdon na maglingkod bilang tagapayo sa Unang Panguluhan. Nagsalita ang iba pang mga lider bilang pagsuporta kay Rigdon, at ang mga nagtipong miyembro ng Simbahan ay bumoto upang manatili siya sa kanyang katungkulan na labag sa unang kagustuhan ni Joseph. Mabigat na tinanggap ni Joseph ang resulta.9

Sa paglipas ng panahon, ang debate sa mga kumperensya ng Simbahan at sacrament meeting ay lumala at patuloy na nakagambala. Ang mga lider ng Simbahan ay nagsimulang magbilin sa mga namumuno sa mga pulong na tumugon sa anumang pagtutol na babanggitin sa boto ng pagsang-ayon sa labas ng miting. Gayunman, ang parehong masiglang talakayan ay nagpapatuloy ngayon sa mga council sa ward, stake, at mission, at sa mga pangkalahatang council ng Simbahan. Ang mga Banal sa mga Huling Araw ay patuloy na nangangasiwa sa gawain ng Simbahan sa pamamagitan ng pangkalahatang pagsang-ayon. Ang mga yaong nagbigay ng tutol na boto ay pinapalapit sa kanilang mga lider upang talakayin ang kanilang mga saloobin. Ang mga yaong bumotong pabor ay layon na sang-ayunan ang mga lider at programa hindi lamang sa kanilang pagboto kundi sa pamamagitan ng kanilang mga kilos, pananampalataya, at mga panalangin.10

Mga Tala

  1. Joseph Smith, “History, 1838–1856, volume A-1 [23 December 1805–30 August 1834],” 27, 37, josephsmithpapers.org.

  2. Historical Introduction to “Appendix 3: ‘Articles of the Church of Christ,’ June 1829,” josephsmithpapers.org; Joseph Smith, “History, 1838–1856, volume A-1 [23 December 1805–30 August 1834],” 27; “Revelation, July 1830–B [D&C 26],” sa Revelation Book 1, 34, josephsmithpapers.org. Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 26:2.

  3. Tingnan sa David Elliott, Letters, on the General Structure, Government, Laws and Discipline of the Church (Chambersburg, PA: G. K. Harper, 1826), 120–26; The Book of Common Prayer, and Administration of the Sacraments, and Other Rites and Ceremonies of the Church, According to the Use of the Protestant Episcopal Church in the United States of America: Together with the Psalter, or Psalms of David (New York: T. & J. Swords, 1810), vii.

  4. Common Consent, the Basis of the Constitution of England; or, Parliamentary Reform Considered and Tried by the Tests of Law and Reason (London: Thomas at Joseph Allman, 1817).

  5. Tingnan sa David S. Shields, Civil Tongues and Polite Letters in British America (Chapel Hill: University of North Carolina Press, 1997), 182–84; Peter Dobkin Hall, The Organization of American Culture, 1700–1900: Private Institutions, Elites, and the Origins of American Nationality (New York: New York University Press, 1982), 1–2, 24–25.

  6. Tingnan sa David Keith Stott, “Legal Insights into the Organization of the Church in 1830,” BYU Studies, tomo 49, blg. 2 (2010), 121–48.

  7. Revelation, 19 January 1841 [D&C 124],” sa Book of the Law of the Lord, 14–15, josephsmithpapers.org.

  8. Joseph Smith, “History, 1838–1856, volume C-1 [2 November 1838–31 July 1842],” 1193, josephsmithpapers.org.

  9. “Minutes of a Special Conference,” Times and Seasons, tomo 4, blg. 21 (Set. 15, 1843), 329–30.

  10. Tingnan sa Russell M. Nelson, “Pagsang-ayon sa mga Propeta,” Ensign o Liahona, Nov. 2014, 74–77; Ronald A. Rasband, “Pagtayo na Kasama ang mga Pinuno ng Simbahan,” Ensign o Liahona, Mayo 2016, 46–49.