Tuwirang Sagot
Ano ang Sion?
Sa mga banal na kasulatan, ang salitang Sion ay maaaring mangahulugan ng:
-
“Ang may dalisay na puso” (Doktrina at mga Tipan 97:21).
-
Ang mga tao ng Panginoon, o ang Simbahan at ang mga stake nito (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 82:14).
-
Isang tiyak na lugar kung saan nakatira at nagtitipon ang mga tao ng Panginoon, tulad ng:
-
Lungsod ni Enoc (tingnan sa Moises 7:18).
-
Sinaunang lungsod ng Jerusalem (tingnan sa 2 Samuel 5:6–7; 1 Mga Hari 8:1; 2 Mga Hari 9:28).
-
Bagong Jerusalem—isang lungsod na itatayo sa mga huling araw sa Jackson County, Missouri, USA (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 45:66–67; Mga Saligan ng Pananampalataya 1:10).
-
Bagama’t hindi nagtitipon ang mga miyembro ng Simbahan ngayon sa isang sentrong lugar, “[naki]kibahagi sa malaking gawaing itatag ang Sion.” Tinuruan tayo ng ating mga lider na itatag ang Sion at palakasin ang Simbahan saanman tayo nakatira. Bahagi ng paggawa nito ang paghahangad na mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga tao sa “Sion.” Halimbawa, sa Moises 7:18 natutuhan nating:
-
Sila ay mga tao na “may isang puso at isang isipan.”
-
Sila’y namumuhay sa kabutihan.
-
Walang “maralita sa kanila.”