Para sa Lakas ng mga Kabataan
Ano ang Naiiba sa Inyong Simbahan?
Para sa Lakas ng mga Kabataan Setyembre 2025


“Ano ang Pinagkaiba ng Inyong Simbahan?”

Tamara W. Runia

Iniisip ko kung ano ang sasabihin ko kapag may magtatanong ng “Ano ang ipinagkaiba ng inyong simbahan?” Pagkatapos ay biglang namatay ang panganay naming anak na lalaki, at naiwan niya ang kanyang kahanga-hangang asawa at apat na anak. Sa aming pagdadalamhati, ang mga turo ng ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo ay naghatid ng kalinawan at kapanatagan. Tampok sa isyu sa buwang ito ang tatlo sa mga natatanging aral na iyon:

Una, itinuturo sa inspiradong pagpapahayag tungkol sa pamilya na “ang plano ng kaligayahan ng Diyos ang nagpapahintulot sa mga ugnayan ng mag-anak na magpatuloy sa kabilang-buhay.” (Tingnan sa pahina 26.)

Pangalawa, sa pamamagitan ng Simbahan ng Panginoon, mayroon tayong access sa awtoridad at kapangyarihan ng priesthood ng Diyos—ang kapangyarihan ding iyon na lumikha sa mga mundo at nagbubuklod sa mga pamilya magpakailanman. (Tingnan sa pahina 2.)

Pangatlo, ang mga taong nakipagtipan sa Tagapagligtas sa Kanyang Simbahan ay naghahanda para sa Kanyang Ikalawang Pagparito, na dahilan ng kagalakan. (Tingnan sa mga pahina 18, 22.)

Habang pinag-aaralan mo ang isyung ito, dalangin ko na matuklasan mo ang mga katotohanang ito para sa iyong sarili at hanapin ang sagot sa iyong mga sagot na, “Ano ang ipinagkaiba ng inyong simbahan?”

Ang iyong kaibigan,

Tamara W. Runia

Unang Tagapayo sa Young Women General Presidency