Para sa Lakas ng mga Kabataan
Kumonekta kay … Brandon B. mula sa Malaysia
Para sa Lakas ng mga Kabataan Setyembre 2025


Digital Lamang: Kumonekta

Brandon B.

16, Selangor, Malaysia

kabataang lalaki

Larawang kuha ni Clayton Chan

Napakatagal ko nang nahihirapang makibagay sa paaralan. Madaling maramdaman na hindi ka kabilang, dahil sa Malaysia, karamihan sa mga tao ay kabilang sa ibang relihiyon. Mahirap na ipakita mo kung sino ka talaga nang hindi nahuhusgahan.

Nanalangin ako, at tinanong ko ang Diyos, "Paano ko ito gagawin?" Hiniling ko sa Kanya na tulungan akong maibsan ang sakit. At talagang nakatulong ito. Naramdaman ko talaga ang pagmamahal niya. Ngayon madali na sa akin ang makibagay. Kapag nahaharap ako sa mga pagsubok, nadarama ko na ibinibigay sa akin ni Jesucristo ang Kanyang kamay at ginagabayan ako.

Nararamdaman k ang pagpapadala ng Diyos ng Kanyang lakas sa akin kapag dumaranas ako ng pagsubok sa araw-araw, lalo na ng mahihirap na pagsubok. Palagay ko masasabi mong ginagamit ko ang Kanyang lakas araw-araw.